Annabelle Rama on being accused as a stage mother: "Hindi ako stage mother. Dedma lang ako. Naiinggit lang yun [nagsasabi nun], 'day. Yung pagiging stage mother, yung nakikialam nang nakikialam maski wala namang dapat pakialaman. Hindi ako ganyan."

Photo: Noel Orsal

E, di ba, sabi nila mas magandang panlaban din yung maging silent?

Sagot ni Annabelle, "Kasi hindi ako martir, e. 'Pag ako ginanun mo, maski konting bagay, gaganun ako sa iyo.

"At malaman nila kung sino ako, na hindi ako puwedeng basta gawan mo ng kuwento."

May kinatatakutan ba siya?

"Taas [God]," sagot ni Annabelle.

Aside from that?

"Husband ko, si Eddie."

Kapag si Eddie ba ang nagsabi sa kanya na tama na, nakikinig siya?

"Wala pa siyang sinasabing ganun sa akin. Alam niya kasi lagi akong tama, e."

ON BEING A MANAGER. Napag-usapan din nina Janice at Annabelle kung anong klaseng manager ang huli.

Ayon kay Annabelle, mahigpit talaga siyang manager.

"Siyempre 'pag talent ko, parang anak ko na rin yun. Kailangan type kita para maalagaan kita.

"Paaralin kita ng acting, dancing, at saka titingnan ko yung mga damit mo kung okay ba ang damit mo.

"Mahigpit akong manager. Ayoko silang ma-late.

"Pag trabaho, trabaho. Ang boyfriend, set aside mo iyan."