Umalma ang TV and radio personality na si Grace Lee sa inilabas na artikulo ng journalistang si Ellen Tordesillas na pinamagatang "Grace Lee sees herself marrying PNoy."
Ito ay nailathala sa website ng Vera Files ngayong araw, Pebrero 13.
Nabanggit sa kolum ni Tordesillas ang pag-uusap diumano ni Grace at ng kanyang New York-based co-DJ na si Mo Twister, sa programang Good Times in the Morning, noong nakaraang Miyerkules, Pebrero 8.
Tinanong daw ni DJ Mo si Grace kung gaano katagal sa tingin niya ang magiging relasyon nila ni Pangulong Noynoy Aquino o PNoy.
"The full length."
Ito raw ang naging tugon ni Grace.
Samantala, nabanggit din sa kolum ni Tordesillas na sinabi ni Grace na ang pagde-date nila ni PNoy ay maaaring mauwi sa "altar."
Sinabi rin daw ng "Chika Minute" host na, "I'm praying for this."
REFUTING THE COLUMN. Mariin itong itanggi ni Grace sa kanyang Twitter account: "All Good times listeners know this is a lie."
Ni-retweet din niya ang mensahe ng isa sa mga follower niya: "Thank you :) RT @DeKampanilya: . @gmanews You should correct your story on @gracelee899 . Did your reporter even listen to... Good Times?"
Kahit ang isa pang co-DJ ni Grace, si Tin Gamboa (Suzy sa programa), ay pinabulaanan ang naisulat ng beteranang journalist sa kanyang kolum.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni DJ Suzy: "Grace Lee sees herself marrying PNoy http://bit.ly/wlimHV - LIES. someone send this dude a recording of the show please."
NO PSG OFFER. Isa pang inireklamo ni Grace ang naisulat ni Tordesillas tungkol sa diumano'y pribadong pakikipag-usap niya sa isang TV host.
Nabanggit daw ni Grace sa TV host na nag-alok ang Pangulo na bigyan siya ng security mula sa Presidential Security Group.
Ito ang nakalagay sa report ng kolumnista:




0

