Habang abala ang karamihan ngayong Valentine's day kung ano ang ireregalo o saan dadalhin para i-date ang kanilang kasintahan, magiging abala naman ang singer-actress na si Sarah Geronimo sa trabaho.
Ayon kay Sarah, sanay na siya na magtrabaho sa tuwing Araw ng mga Puso. Madalas kasi ang mga concert siya or singing gig kapag Valentine's week.
Sa katunayan, nang makapanayan ng media si Sarah kamakailan at tinanong siya kung ano ang magiging plano niya ngayong araw, napangiti lamang siya.
Tapos, sinabi niya: "Wala naman po. Nothing in particular naman po."
Dagdag pa ng Pop Princess: "Magtratrabaho po kami sa Valentine's Day dahil may gagawin po kaming show sa ABS-CBN, ang Sarah G Live!.
"Every Valentine's Day naman po may trabaho naman ako, e."
At dahil nasanay na si Sarah, ito pa ang nasabi niya tungkol sa Valentine's Day: "Hindi naman siya 'yong something na parang nilu-look forward ko talaga."
Ngayong tanghali, February 14, haharap si Sarah sa media sa inihandang press conference ng ABS-CBN para sa bago niyang lingguhang programa, ang Sarah G. Live!.
Nakatakda itong magsimula sa February 26.
ADVICE TO SINGLE WOMEN. Samantala, tinanong din si Sarah kung ano ang maipapayo niya sa mga single na babaeng tulad niya.
Sagot niya, "Well, siyempre, it's up to them naman kung gusto nilang makipag-date, di ba? Or kung anuman ang plans nila for that day.
"Basta 'yon, sana mag-ingat lang din sila.
"Hindi porke't Araw ng mga Puso, ibibigay na ang buong puso.
"Enjoy nila. Enjoy nila ang Valentine season with their loved ones."
Kung si Sarah ang tatanungin, hindi pa rin daw siya handang pumasok sa isang relasyon o kahit magpaligaw man lang.
"Sabi ko naman po sa mga past interviews ko na hindi masamang i-allow mo 'yong friendship with some guys.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
45 hooney
44 worldpeace07
43 rmvsj
42 Gorgeousmama_999
41 MissHugoBacungan
40 missjuly
39 missjuly
38 MissHugoBacungan
37 Gorgeousmama_999
36 Gorgeousmama_999
35 milomilo123
34 Syete
33 diamond8
32 chubie_buknoy
31 gummybears6
30 maypaolo
29 Paradigm
28 beyond_words
27 gopinoy
26 Joseth
more comments