Sa gitna ng mga intriga noon sa diumano'y relasyon na namamagitan kina Bianca Manalo at John Prats, sa wakas ay umamin na rin ang dalawa sa totoong namamagitan sa kanila.
Sa "Celebrity True Stories" segment ng The Buzz noong Linggo, February 12, ikinuwento ni Bianca kung paano nabuo ang magandang namamagitan sa kanila ngayon ni John.
Kuwento niya, "Grade three ako, tinanong ako... parang mainit ang Ang TV.
"Tinanong ako na parang... ang mga hit na hit noon na mga bata, Patrick Garcia and John Prats.
"Sinabi ko, 'John Prats."
Hindi raw alintana ni Bianca ang usap-usapang "matinik sa babae" si John.
Ilan sa mga nakarelasyon noon ng young actor ay sina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, at Rachelle Ann Go.
Ayon kay Bianca, "Sabi nila, matinik nga raw sa babae. Pero ewan ko, sabi lang naman nila yun.
"Nakikinig ako. Pinakikinggan ko lang."
START OF SOMETHING NEW. Pagkatapos nito ay ikinuwento na ni Bianca kung paano nagsimula ang magandang pagtitinginan nila ni John.
"Naalala ko, parang one week pa lang ang Happy [Yippe Yehey!] noon.
"Nag-bonding kami, party-party. Nagkatabi kami.
"Parang doon ko na feel na, 'A, ang taong ito, mapagkakatiwalaan 'to.'
"Hindi ko alam kung paano nagsimula ang sweetness.
"Pero sa pagkakatanda ko, yung writer namin sa Happy Yipee Yehey!, yung spiels namin, 'Kayong dalawa ni Pratty, gusto ko ang banter n'yo, parang Pinky Webb and Ted Failon, yung nag-aasaran.'




CALLED OUT
ALL COMMENTS
25 mayacita
24 batangkumon
23 bacobaco
22 pepato
21 ike
20 prettylittleliar
19 chardine88
18 pexaddict
17 sungit1924
16 lanieguillen
15 Noname
14 Bitchy_nasty77
13 gjoel
12 superbeki
11 superbeki
10 mrsjupitermars08
9 Buryong
8 weasleyismyking
7 misswa
6 gummybears6
more comments