Matunog ang pangalan ni Coleen Garcia, isang TV commercial talent and newbie actress, na maaari umanong siya ang sanhi ng hiwalayang Isabel Oli at Gab Valenciano.
Pero mariing pinabulaanan ito, una na, ng ama ni Gab na si Gary Valenciano, ang kilalalang singer, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Sarah G Live! kaninang tanghali, Pebrero 14, sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.
Pinabulaanan din ito ni Gab, ang 23-year-old dancer-musician.
Inamin man ni Gab na minsan nga'y lumalabas siya kasama si Coleen, sabay tanggi naman ito na may relasyon silang dalawa.
"No way, not at all!" sabi ni Gab.
"I really wanna clear that up.
"Kung pwede nga lang tumayo ako sa Luneta Grandstand and sumigaw.
"She was not and there's nobody... Nobody was the reason why we broke up.
"She's [Coleen] actually one of the reasons na nagsasabi sa akin to 'fight for it, pwede pa 'yan.'"
Dahil sa pagiging close nila ni Coleen, tinanong tuloy namin kung ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa.
"Well, I treasure her. She's a good friend," sagot ni Gab.
"It just so happens that we go out now more than usual.
"Siyempre, she's also showbiz, so people will assume certain things."
POSSIBLE RELATIONSHIP WITH COLEEN? Sa ganitong mga pangayari, may posibilidad bang mahulog ang damdamin nila sa isa't isa?
"You can never say never. At this point, you can never say never.




0

