"It was never part of the plan to find someone. I tweeted nga yesterday or the other day, 'The moment I stop searching, it's the moment you'll start finding me.' My problem kasi is hanap ako nang hanap. Now, I just want to let it loose and wait for whoever comes my way," says Gab Valenciano when asked if he's planning to find another girl after breaking up with girlfriend Isabel Oli (not in photo) late last year.

 

Photo: Noel Orsal

"You can never say never. At this point, you can never say never.

"Alam mo 'yong sasabihin mong 'hindi,' then the next thing you'll know may nangyari na.

"At this point, I can't say na it will never happen.

"But I just got out of a relationship.

"Siyempre, hindi naman pwede na kaagad-agad magkaka-girlfriend."

DIFFERENT VIEW. Ayon kay Gab, dahil sa kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig, unti-unti na ring nagbabago ang kanyang pagkatao.

"I'm happy now, e. Even 'yung pagkatao ko, it's changing now," sabi ni Gab.

Katulad ng nangyari sa kanila ni Isabel, ayon kay Gab: "I know for a fact that we were in each other's lives for a reason. We learn from it. We'll be better the next time."

At sa tuwing nakikita raw niya ang kanyang mga naging girlfriend sa showbiz na mas masaya, may pagkakataon daw na nanghihinayang siya.

Sa showbiz, nagkaroon din ng relasyon si Gab kina Nikki Gil at Rachelle Ann Go.

Pero alam daw niya na magsisilbing mga aral ito para sa kanya.

"It breaks my heart when I see them come out on TV and I see them, how they are, you wish you did things differently.

"But that's the path that we chose, and this is the path we are in now.

"I guess we have to live with it."

Nang tanungin ng PEP kung naghahanap ba siya ng babaeng mamahalin ngayon, mahinahong umiling si Gab.