Mo Twister's tweets about Ogie Alcasid spoofing his video diary: "Just heard @ogiealcasid made fun of me crying in the abortion video. Classy move bud. Didnt you just have a child? Glad, its alive. hey guys, dont worry bout it. i'm sure he got a good laugh out of it. a few kids dying is pretty fucking funny. unless its his"

Photo: Noel Orsal

Mabilis na nakarating kay Mo Twister ang ginawang pang-i-spoof ni Ogie Alcasid sa kanya sa katatapos lang na successful concert ng singer-comedian, kasama ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, sa Smart-Araneta Coliseum kagabi, February 14.

Sa isang bahagi ng Mr. & Mrs. A concert nina Ogie at Regine ay gumawa ng kani-kanilang video diaries ang celebrity couple upang isalawaran ang pinagdadaanan ng mga mag-asawa kapag nag-aaway o nagkakatampuhan sila.

Sa video ni Ogie ay paiyak-iyak kunwari siya habang nagsasalita nang may American accent.

Marami ang natawa sa audience dahil may pagkakahawig ito sa video diary ni Mo Twister na kumalat sa Internet noong isang taon.

Naging kontrobersiyal ang video diary na ito ni Mo dahil isiniwalat niya rito ang plano nila ng ex-girlfriend niyang si Rhian Ramos na pagpapalaglag diumano ng kanilang "baby" sa Singapore.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero sa ginawang video ni Ogie ay walang pagbanggit sa isyung ito.

Dahil sa social networking sites gaya ng Twitter at Facebook ay nalaman ni Mo ang ginawang pang-i-spoof sa kanya ni Ogie. Kasalukuyang nasa New York si Mo.

Hindi pa man natatapos ang concert nina Ogie at Regine ay nag-post kaagad ang radio-TV host ng magkakasunod na tweets upang ihayag ang kanyang saloobin.

Narito ang tweets ni Mo:

"Just heard @ogiealcasid made fun of me crying in the abortion video. Classy move bud. Didnt you just have a child? Glad, its alive.

"hey guys, dont worry bout it. i'm sure he got a good laugh out of it. a few kids dying is pretty fucking funny. unless its his @ogiealcasid"

Bukod dito ay sinagot din ni Mo ang reaksiyon ng isa niyang follower na tila sumang-ayon sa kanyang pahayag.

Ani Mo: "exactly. at times i feel like the only people who understand how hard it was are parents who have lost children. so much is made bout careers being ruined, etc. nobody knows how much i fought to keep it alive. there is a darker deeper story here yet no one gets how hard and miserable it was to go through it. everyone mourns differently and you never get over it. I have a sick daughter now and after losing the last one, you just look for avenues for something to hold on to. I go back to the hospital, i take pictures of where it happened, i hold on to anything I have left. People will never understand."

Nang makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tweets ni Mo ay kaagad naming hiningan ng reaksiyon ang kampo ni Ogie.