Mo Twister's tweets about Ogie Alcasid spoofing his video diary: "Just heard @ogiealcasid made fun of me crying in the abortion video. Classy move bud. Didnt you just have a child? Glad, its alive. hey guys, dont worry bout it. i'm sure he got a good laugh out of it. a few kids dying is pretty fucking funny. unless its his"

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos na pagkatapos ng concert ay nilapitan ng PEP ang direktor ng Mr. & Mrs. A na si Randy Santiago.

Bilang direktor ng concert nina Ogie at Regine, isa si Randy sa nag-conceptualize ng paglalagay ng video diaries upang maging bahagi ng daloy ng kuwento.

Nang tanungin tungkol sa naging reaksiyon ni Mo ay idinaan na lang ni Randy sa biro ang kanyang sagot.

Aniya, "Hindi naman siya 'yon. Siya ba 'yon? Wala naman kaming sinabing siya, a!

"Bakit siya nag-react? Siya ba 'yon? Kamukha ba? Kahawig ba niya? Hindi naman, a!"

Ipinaliwanag din ni Randy na ang ginawa nila sa concert ay sarili nilang interpretasyon ng mga ginagawa ng mag-asawa kapag nag-aaway.

Isa raw sa paraan ay ang paggamit nga ng laptop para ilabas ang kanilang saloobin.

Sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Ogie mismo sa pamamagitan ng kanyang manager na si Leo Dominguez.

Pero sa ipinadalang text message ni Leo sa staffwriter ng PEP na si Joyce Jimenez, sinabi nitong hindi magbibigay ng komento si Ogie.

Ayon pa sa manager ni Ogie, "It was done in spirit of comedy. No intention to offend anybody."


OGIE APOLOGIZES. Samantala, ngayong umaga lang, February 15, ay nag-post muli si Mo sa kanyang Twitter account at sinabing nag-apologize daw sa kanya si Ogie sa pamamagitan ng text.

Ani Mo, "thanks for offering an apology I texted you back, hope you got it."

Dagdag na tweet ni Mo, " I'm sorry too for the tweets. My life turned upside down when the thing happened so I get defensive bout it. It is hard on me."