news

Lea Salonga says she did not "diss or attack" Anne Curtis; admits she's insulted by "off-key singers" calling themselves singers

by Erwin Santiago posted on February 15, 2012  STATS: 216989 Views | 386 Comments

 

Lea Salonga on Anne Curtis: "I'm not sure that she should make a career out of singing but I thinknaman she... In reality, she knows what she is. She knows who she is. And I think she just basically let out a wish and somebody made it come true. I thought it was really cute. I didn't get to see the concert. But everybody that I know that went there had a lot of fun."

 

Photo By: Rommel R. Llanes

Laman ng balita ngayong linggo ang diumano'y pang-iinsulto ng international singer na si Lea Salonga sa pagkanta ng aktres ni Anne Curtis.

Ito rin ang sinasabing dahilan kaya nagalit diumano ang fans ni Anne kay Lea.

Nag-ugat ang isyung ito sa report na inilabas ng InterAksyon.com, ang news portal ng TV5, noong Linggo, Pebrero 12.

Sinabi ng portal na ininsulto raw ni Lea si Anne sa isang interview nito sa iba't ibang media outfits.

Pero nang mag-react na ang kampo nina Lea at Anne, hindi pinanindigan ng portal ang inilabas nitong balita: agad itong umatras at naglabas ng apology.

FULL TRANSCRIPT. Inilabas din ng InterAksyon ang full transcript ng interview kay Lea upang malinawan ang buong konteksto ng pahayag ng singer tungkol kay Anne.

Naganap ang panayam kay Lea noong February 11 sa music video shoot ni Lea para sa bagong reality singing search ng TV5, ang Kanta Pilipinas, sa isang studio sa Cubao.

Sa una kasing inilabas na report ay naputol ang ilang pahayag ni Lea, kaya lumabas na nilalait ng Pinay international recording artist ang Kapamilya actress.

Sa interview ay tinanong si Lea kung sino sa hanay ng singers sa Pilipinas ang mga gusto niyang makasamang kumanta.

Nabanggit ang pangalan ni Anne Curtis, na nagkaroon ng solo concert noong January 28 sa Araneta Coliseum.

Sagot ni Lea, "No. Sorry."

Paliwanag niya sa kanyang naging tugon, "No offense to her. But you said, what singer? 

"Anne admits... she is not a singer. I have to give her that. I congratulate her for the concert..." 

Tinanong din si Lea tungkol sa mga non-singer celebrities na pumapasok sa music industry at nagkakaroon pa ng album.

Muli, nabanggit ni Lea rito ang pangalan ni Anne.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

386 Comments

  • 186  my_sayad

    02/15/2012 | 01:20 PM
    let anne have her concert. kasi di naman sya naniniwala na wala syang karapatan kumanta. ang alam lang nya, she is sooo sikat at yong mga fandom nyang mga tone-deaf will come in droves para e appreciate her singing. at kagaya nung story the emperors new clothes, no one is brave enough to tell anne that she has is indeed not a singer so believe in what she is saying. wag ng mag concert, dahil para que pa eh ang mga tao namang nanonood will deny themselves na di kagandahan ang boses mo bec they are your fandom
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  hotmomma15

    02/15/2012 | 01:19 PM
    To those reacting negatively, be open minded. There's nothing wrong with what she said. She was simply being honest and frank, yet did her best not to offend Anne. Read the entire thing. Lea didn't consider Anne as someone pretending to be a singer as the latter just desired to fulfill a dream and that was it. So move on, guys. No issue here! And those bashing Lea in her Twitter account? Stupid and shallow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  teamkapamilyaglobal

    02/15/2012 | 01:14 PM
    Tama naman si Lea. Anne has no business singing. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  my_sayad

    02/15/2012 | 01:11 PM
    naalala ko yong colasisi kong ibon. kahit na naka tiwarik itong ibong colasisi, it can sing high notes. ginaya yan ni anne, nag ala colasisi sa concert. siguro, anne is a colasisi-like.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  kansilay

    02/15/2012 | 01:07 PM
    I salute Ms. Lea for this, nagpakatotoo lng cia at may Karapatan syang ilabas ang opinion at observation nya sa dami ng Karangalan na binigay nya sa Bansa! I like Anne but pls. lumugar ka kong saan ka lng nararapat tini take advantage nyo ng Viva ang mga kawawang fans mo! Tama na ang papapa Cute wla na sa lugar! Hwag bastusin ang mga totoong singers!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  my_sayad

    02/15/2012 | 01:06 PM
    i would rather shell out my hard-earned money in leas concert. ang ganda ng boses nya. sana malaman ni anne kung saan sya dapat lumagay. can queue jumper sing?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  xianmeg

    02/15/2012 | 01:03 PM
    ang sa akin naman... sana hindi na bibigyan ng album ang mga hindi naman talaga makakanta... no offense sa mga fans... but Judy Anne nagka-album noon, willie revillame, manny pacquiao... and etc... maraming magagaling diyan na halos mamaos sa paghahasa ng talento hindi pa nagkaka-album... but in the case of anne, well admittedly nagulat ako nang magka-concert siya ha... pero sana sa tv na lang kung for entertainment din lang naman... guesting lang ganun... pero yung solo concert for me it's a no-no for anne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  my_sayad

    02/15/2012 | 01:03 PM
    if it is lea singing- that craft. if its anne- thats craaaaaap
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  horacio

    02/15/2012 | 01:02 PM
    english kase number 176 kaya marami di naka getching, ha ha.. tagalugin mo kase sa susunod lea ha, jak jak jak
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  horacio

    02/15/2012 | 01:00 PM
    you said you piece lea and i totally agree with you. next time please just say it in tagalog so people here who reacted violently without thinking will understand what you mean...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  bitter_sweet123053

    02/15/2012 | 12:58 PM
    ang dami namang mga d nkakaintindi dito...title pa lang ng article nagsasabi na that lea salonga did not attack anne curtis because anne herself admitted that she is not a singer..kelan ba kau mag oopen ng mind nyo to understand that? hays, d nyo cguro binasa ng full ang article...basta mka comment lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  Clara Pastor

    02/15/2012 | 12:51 PM
    tama naman si lea,a singer from the start pa lng yun na ang kanyang craft and doon nga nakilala until sumikat,,anne is only trying herself to sing and even do a concert,,but you can not call her a singer,,i think dahil sa pagiging kikay nya kaya nagustuhan sya ng people or her fans kya yung concert nya curious lng mga tao,anyway she had a sikat guests at that time..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  maxxine

    02/15/2012 | 12:50 PM
    Buti na Lang may nag speak up for what Anne is doing on tv. It's so disgusting. Akala Nya nakaka Aliw sya, Hindi!!!! Ang corny, corny Nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  Paradigm

    02/15/2012 | 12:48 PM
    Si pacquiao, willie revillame, down to mars at excelerate ang ang tinutukoy ni Lea. Ano ba kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 172  thenameisjen30

    02/15/2012 | 12:38 PM
    ....grabe naman parang nag agree na rin kyo na bawal mangarap ganun na ba mga pilipino ngayon? crab mentality tlga at sa lahat ng tumangkilik kay Anne choice nila yun, pera nila yun dpat igalang nyo... Remember that my freewill tayo, we have all the rights to do kung ano yung makapagpapasaya satin or tuparin kung ano ang pinapangarap natin basta ba wala tayong inaapakang tao or inaargabyado. Nayon yung mga singers tlga na di sumisikat or di makapag concert eh di na kslanan ni anne yun nagkataon tlga na khit d sya singer sinuportahan sya ng fans nya eh karapatan nila un sana wag na maging bitter yung iba dyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  eazypinoy

    02/15/2012 | 12:36 PM
    bakit ang mga kapusong nagpopost dito hindi nakakaintindi! Lea already said that she is offended by people who cannot sing but represents themselves as singers. Page 1 last sentence ng article at intindihin nyo. Anne NEVER said that she is a singer. Anne always says that she is an ENTERTAINER, and that includes dancing, comedy and singing out of tune for amusement and comedic purposes, and that is the reason why anne's fans love her because she can entertain people!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  bisdak_akopud

    02/15/2012 | 12:28 PM
    Hay naku Anne Curtis mahiya ka naman sa mga kapwa Pinoy. Binibigyan mo pa ang mga foreigners more reason na pintasan tayo. Oo sinasabi mo you're just having fun pero the foreigners won't understand that kasi singing is a talent not to be joked around and ni represent mo pa Pinas sa ibang bansa. Kakahiya talaga! Stick to acting pwede ba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 169  luvpinas4ever

    02/15/2012 | 12:26 PM
    VERY WELL SAID. i commend her for speaking in behalf of all TRUE filipino singers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 168  benj_aquino59

    02/15/2012 | 12:24 PM
    Lea nailed it though. She is a very well acclaimed singer and she has the talent to sing. Anne is a good actor BUT because of your ambition to sing, iniinsulto mo ang music industry kasi you said na if you can do it so can everybody else. Hindi naman tama yan, kasi talent yan. And what's worst is pinapakita mo na nirepresent mo ang Pinas sa ibang bansa with that kind of talent. Nilalait na nga tayo sa ibang bansa, dinadagdagan mo pa! Mahiya ka naman Anne!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 167  dreamer

    02/15/2012 | 12:20 PM
    haay mga fantards talaga! go back to school na lang kaya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About