news

Lea Salonga says she did not "diss or attack" Anne Curtis; admits she's insulted by "off-key singers" calling themselves singers

by Erwin Santiago posted on February 15, 2012  STATS: 216953 Views | 386 Comments

 

Lea Salonga on Anne Curtis: "I'm not sure that she should make a career out of singing but I thinknaman she... In reality, she knows what she is. She knows who she is. And I think she just basically let out a wish and somebody made it come true. I thought it was really cute. I didn't get to see the concert. But everybody that I know that went there had a lot of fun."

 

Photo By: Rommel R. Llanes

Laman ng balita ngayong linggo ang diumano'y pang-iinsulto ng international singer na si Lea Salonga sa pagkanta ng aktres ni Anne Curtis.

Ito rin ang sinasabing dahilan kaya nagalit diumano ang fans ni Anne kay Lea.

Nag-ugat ang isyung ito sa report na inilabas ng InterAksyon.com, ang news portal ng TV5, noong Linggo, Pebrero 12.

Sinabi ng portal na ininsulto raw ni Lea si Anne sa isang interview nito sa iba't ibang media outfits.

Pero nang mag-react na ang kampo nina Lea at Anne, hindi pinanindigan ng portal ang inilabas nitong balita: agad itong umatras at naglabas ng apology.

FULL TRANSCRIPT. Inilabas din ng InterAksyon ang full transcript ng interview kay Lea upang malinawan ang buong konteksto ng pahayag ng singer tungkol kay Anne.

Naganap ang panayam kay Lea noong February 11 sa music video shoot ni Lea para sa bagong reality singing search ng TV5, ang Kanta Pilipinas, sa isang studio sa Cubao.

Sa una kasing inilabas na report ay naputol ang ilang pahayag ni Lea, kaya lumabas na nilalait ng Pinay international recording artist ang Kapamilya actress.

Sa interview ay tinanong si Lea kung sino sa hanay ng singers sa Pilipinas ang mga gusto niyang makasamang kumanta.

Nabanggit ang pangalan ni Anne Curtis, na nagkaroon ng solo concert noong January 28 sa Araneta Coliseum.

Sagot ni Lea, "No. Sorry."

Paliwanag niya sa kanyang naging tugon, "No offense to her. But you said, what singer? 

"Anne admits... she is not a singer. I have to give her that. I congratulate her for the concert..." 

Tinanong din si Lea tungkol sa mga non-singer celebrities na pumapasok sa music industry at nagkakaroon pa ng album.

Muli, nabanggit ni Lea rito ang pangalan ni Anne.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

386 Comments

  • meiimeii

    02/15/2012 | 04:15 AM
    Ganyan talaga makapagreatc mga fans ni Anne. Akala mo kinakatay idol nila kung makapagreact. Di muna inaalam ang totoong nangyari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • qazx

    02/15/2012 | 03:57 AM
    Leah have all the rights!!! Totoo naman! Ganito Lang kasi yan Kung acting Lang ang kaya mo dun ka nalang wag ka ng matry ng ibang Bagay Kung di mo naman carry! Minsan kasi dinadaan nlng sa confidence but kelangan den you have a talent to showcase! Dapat tawag sa mga yan "trying hard to be a singer"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sophiemar

    02/15/2012 | 03:56 AM
    tama naman si Lea noh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    02/15/2012 | 03:53 AM
    I agree with Ms. Lea Salonga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • misstoe

    02/15/2012 | 03:50 AM
    May point nga naman si Leah. Ang daming mga artista or personalities that think they can sing at gumagawa ng albums, para nag namang insulto iyan...even in Hollywood pag artista, unless na marunong kumanta, they don't attempt to sing..pag singer marunong umarte, yung nag-aartista but not the other way around....gets mo Willie Revillame????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About