Lea Salonga on Anne Curtis: "I'm not sure that she should make a career out of singing but I thinknaman she... In reality, she knows what she is. She knows who she is. And I think she just basically let out a wish and somebody made it come true. I thought it was really cute. I didn't get to see the concert. But everybody that I know that went there had a lot of fun."

 

Photo: Rommel R. Llanes

Laman ng balita ngayong linggo ang diumano'y pang-iinsulto ng international singer na si Lea Salonga sa pagkanta ng aktres ni Anne Curtis.

Ito rin ang sinasabing dahilan kaya nagalit diumano ang fans ni Anne kay Lea.

Nag-ugat ang isyung ito sa report na inilabas ng InterAksyon.com, ang news portal ng TV5, noong Linggo, Pebrero 12.

Sinabi ng portal na ininsulto raw ni Lea si Anne sa isang interview nito sa iba't ibang media outfits.

Pero nang mag-react na ang kampo nina Lea at Anne, hindi pinanindigan ng portal ang inilabas nitong balita: agad itong umatras at naglabas ng apology.

FULL TRANSCRIPT. Inilabas din ng InterAksyon ang full transcript ng interview kay Lea upang malinawan ang buong konteksto ng pahayag ng singer tungkol kay Anne.

Naganap ang panayam kay Lea noong February 11 sa music video shoot ni Lea para sa bagong reality singing search ng TV5, ang Kanta Pilipinas, sa isang studio sa Cubao.

Sa una kasing inilabas na report ay naputol ang ilang pahayag ni Lea, kaya lumabas na nilalait ng Pinay international recording artist ang Kapamilya actress.

Sa interview ay tinanong si Lea kung sino sa hanay ng singers sa Pilipinas ang mga gusto niyang makasamang kumanta.

Nabanggit ang pangalan ni Anne Curtis, na nagkaroon ng solo concert noong January 28 sa Araneta Coliseum.

Sagot ni Lea, "No. Sorry."

Paliwanag niya sa kanyang naging tugon, "No offense to her. But you said, what singer? 

"Anne admits... she is not a singer. I have to give her that. I congratulate her for the concert..." 

Tinanong din si Lea tungkol sa mga non-singer celebrities na pumapasok sa music industry at nagkakaroon pa ng album.