Kiray Celis on posing for men's magazine someday: "Feeling ko lang sexy ako, pero hindi ko naman pinangarap."

Allan Sancon
Wednesday, February 15, 2012 @ 07:46PM  |  582 views

 

"Kada may ginagawa akong show, siyempre gusto ko yung tatatak talaga ako, yung hindi nila ako makakalimutan. Hindi dahil yung kasali lang ako sa show na ito, kundi dahil magaling ako sa show na ito. So, ibinibigay ko talaga yung best ko, na dapat lang naman talaga. Kasi mataas din ang expectation nila sa akin, e," says former child actress Kiray Celis.

Photo By: Noel Orsal













Kasama ang dating child star na si Kiray Celis sa bagong youth-oriented series ng ABS-CBN, ang LUV U.

Ang LUV U ang papalit sa iiwanang timeslot ng Growing Up tuwing Linggo ng hapon.

Kasali rin si Kiray sa Growing Up na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Dito sa LUV U, makakasama ni Kiray ang ilang graduates ng kiddie gag show na Goin' Bulilit, kabilang ang ka-loveteam niyang si Igi Boy Flores.

Sa presscon ng LUV U ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray.

OCCUPIED. Ano ang masasabi niya na hindi siya nababakante ng trabaho dahil pagkatapos ng Growing Up ay kasama rin siya sa LUV U?

"Siyempre, masaya kasi after Growing Up, ilang pahinga lang ako, Monday to Saturday lang, Sunday, bagong show na naman.

"Sobrang saya kasi feeling ko, nagugustuhan talaga ako ng mga tao.

"Dahil hindi naman siguro nila ako kukunin kung hindi nila ako [gusto] umarte or as a person talaga," sabi ni Kiray.

Ano ang masasabing lamang niya sa ibang teen stars ng Kapamilya network at siya madalas ang nakukuha sa mga shows?

"Siguro, pampagulo ng show!" natatawang sagot ng 16-year-old actress.

"Nagulo ang Growing Up noon, ngayon magugulo ang LUV U dahil sa akin.

"Alam n'yo naman 'yan, di ba, na hindi ako pang-seryoso?

"Pero puwede rin, na-try ko naman sa Growing Up.

"Saka kada may ginagawa akong show, siyempre gusto ko, yung tatatak talaga ako, yung hindi nila ako makakalimutan. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

49 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name