Sarah Geronimo on why she is having second thoughts about wearing the Tiffany necklace that Gerald Anderson gave her:"Kasi siyempre, concerned din ako sa sasabihin ng mga tao 'pag sinuot ko. Nandoon din yung factor na nagregalo yung tao, maa-appreciate niya 'pag sinuot ko... Gulung-gulo na rin ako. Hindi ko rin alam ang gagawin ko."  

Photo: Noel Orsal

Sa presscon ng bagong show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live noong Martes, February 14, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, ipinangako ng singer-actress na isang "mas open, medyo daring" na Sarah na ang makikita ng kanyang publiko.

Bilang patunay nito, sinagot ni Sarah ang lahat ng issues na ibinato sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kaugnay sa kanyang career, pamilya, at lovelife.

GERALD ANDERSON. Unang napag-usapan ang tunay na estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson.

Dalawang pelikula na ang pinagtambalan nina Sarah at Gerald: Catch Me, I'm In Love (2011) at Won't Last A Day Without You (2011).

Ayon kay Sarah, "Tulad ng lagi kong sinasabi, bawat katrabaho ko, nagiging malapit sa puso ko. 

"'Yang ganyang mga bagay, huwag nating madaliin. 

"Kung mararamdaman namin yung feeling na love, gusto naming makasama ang isa't isa, mararamdaman namin yun.

"Basta, walang makakapagsabi niyan, lalung-lalo na ako. 

"Wala ako sa posisiyon na magsalita tungkol diyan, bilang ako yung babae. 

"Bahala na, pero kung papunta dun, aamin kami.

"Hindi ko itatago, pero ayokong pangunahan."

Dagdag pa ng singer-actress, "Kami kasi ni Gerald, nung hindi pa kami nagkakatrabaho, nagkakabatian kami.

"Pero I've never thought na ganun pala siya kakalog... na mabibiro din. 

"Akala mo may pagkaseryoso siya. Yung parang pikon kasi, may pagka-action star, nakakatakot lapitan.