Sa presscon para sa finale ng Junior MasterChef Pinoy Edition kahapon, February 15, very accommodating ang young superstar na si Judy Ann Santos sa mga tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.
VALENTINE'S DAY. Ang una naming tinanong kay Judy Ann ay kung paano nila ipinagdiwang ng kanyang mister, ang actor-host na si Ryan Agoncillo, ang katatapos lang na Valentine's Day.
Ayon kay Judy Ann, "Sa bahay lang, kasi nagde-date naman kami ni Ryan kahit na hindi Valentine's Day.
"So, kapag Valentine's, nasa bahay lang kami.
"Medyo traffic kasi at mahirap kumuha ng reservations. Magpapamasahe ka nga lang, kailangan two days before, nakakapag-reserve ka na.
"Pero siyempre, para sa bagong magsing-irog, bongga ang Valentine's nila kasi 'yan naman talaga ang isang okasyon na para sa mga lovers.
"Sa aming dalawa ng asawa ko, e, binigyan lang niya kami ng flowers—ako at si Yohan, na tuwang-tuwa kasi nakatanggap siya ng flowers.
"Niyakap niya tatay niya, hindi niya in-expect na kasama siya sa bibigyan.
"Ako, nag-prepare lang ng dinner, kasama si Mommy ko [Carol Santos], kasi binisita niya kami.
"Nag-salad lang ako, 'tapos roast beef. Yun, ganun lang kami nung Valentine's.
"Hindi na nga namin nakain ang dessert... Gumawa ako ng chocolate-covered strawberry with matching champagne.
"E, sa busog, inantok kami agad, kaya nakatulog na kami!" natatawang kuwento ni Juday, palayaw ng aktres.
PARENTHOOD. Pareho silang busy ni Ryan Agoncillo sa kanilang trabaho, paano nila personal na naaasikaso ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho?
Ani Judy Ann, "Meron naman kaming usapan ni Ryan tungkol diyan.
"Like nung Sunday [February 12], ako ang nagtrabaho, si Ryan ang naiwan sa bahay.




0

