Jessy Mendiola talks about how she has grown in the showbiz industry: "I've learned a lot in acting especially with my co-actors, with my directors. They help me a lot and I can say that... right now I've matured in acting in so many ways—in drama, in comedy, and, hopefully, action."

Photo: Noel Orsal

Sa launching ng bagong drink endorsement ni Jessy Mendiola na BubbaTeaLicious Milk Tea, kahapon ng tanghali, February 16, sa Napa Restaurant, Quezon City, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang Star Magic talent.

Kung matatandaan, nagsimula si Jessy na gumaganap lamang ng mga bit roles o supporting roles sa ABS-CBN, kaya hindi na maituturing na baguhan ito sa larangan ng telebisyon.

Ang ilan sa mga nilabasan niyang mga programa ay ang Abt Ur Luv Ur Lyf 2, Natutulog Ba ang Diyos?, Volta, Astigs, Boystown, George and Cecil, Katorse, at May Bukas Pa.

Pero ang masasabing unang proyekto na nagpakilala sa kanya sa publiko ay ang teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo, kung saan gumanap siyang leading lady ni Coco Martin.

At noong December 6, 2010, inilunsad siya ng ABS-CBN sa isang soap opera na kanyang pinagbidahan mismo—ang primetime series na Sabel.

LIGHTS, CAMERA, ACTION!. Ngayon nga'y gumaganap siya bilang Jackie sa primetime series na Budoy, kasama ang young actor na si Gerald Anderson.

Ano ang feeling na pagkatapos ng Sabel, may Budoy na kasunod agad?

"I'm very thankful that they gave me a chance to star in a lead role, and title role pa siya.

"And I'm, I'm very hopeful na sana tuluy-tuloy siya because since Sabel, hindi po ako nabakante sa work.

"And I feel very honored that they chose me to play the role of Sabel na hanggang ngayon, kahit nasa Budoy na ako, they still call me Sabel.

"Ibig sabihin tumatak pa rin siya. Ayun po, and I'm thankful and happy naman," masayang tugon ng young actress.

Paano niya makukumpara yung mga una niyang karanasan sa pag-arte at sa kung sino na siya ngayon?

"I've learned a lot in acting especially with my co-actors, with my directors.

"They help me a lot and I can say that... right now I've matured in acting in so many ways—in drama, in comedy, and, hopefully, action," sabay tawa ni Jessy.

Pagkumpirma niya, "So, yeah, I've matured. So I'm happy naman."