Sarah Geronimo on her rebellion stage: "Unang-una sa lahat, big no para sa mga kabataan ang magrebelde. Kung anuman yung pagkakamali na nagawa ko noon, ayokong... ayoko nang maulit pa uli yun. Pero gusto ko ring maging honest. Eventually, kailangan kong matutong mag-decide for myself, on my own. Katulad ng sinabi ni Michael Jackson, nabasa ko dun sa book na ginawa niya—sooner or later, kailangan kong gawin yun. But, of course, nandun pa rin yung respeto para sa mga magulang."

Photo: Noel Orsal

Kilalang masunuring anak si Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Pero dumating ba siya sa puntong pakiramdam niya ay nasasakal na siya at gusto na niyang magrebelde laban sa kanyang mga magulang?

"I think hindi na kailangang sagutin 'yan," sagot ng Pop Princess.

"Parang dumating na din ako sa stage na...

"Unang-una sa lahat, big no para sa mga kabataan ang magrebelde.

"Kung anuman yung pagkakamali na nagawa ko noon, ayokong... ayoko nang maulit pa uli yun.

"Pero gusto ko ring maging honest.

"Eventually, kailangan kong matutong mag-decide for myself, on my own.

"Katulad ng sinabi ni Michael Jackson, nabasa ko dun sa book na ginawa niya—sooner or later, kailangan kong gawin yun.

"But, of course, nandun pa rin yung respeto para sa mga magulang."

MONEY MATTERS. Binigyang linaw rin ni Sarah ang balitang nag-aaway raw sila ng kanyang ina dahil sa pera.

Ayon pa sa balita ay gusto raw ni Sarah na siya na ang humawak ng sarili niyang pera ngayon. 

Naiulat kasi noon na dahil walang sariling hawak na pera si Sarah, nangungutang daw ito sa mga kaibigan kapag nagkakayayang lumabas para kumain o may bibilhin.

Pero paglilinaw ni Sarah: "Not totally na i-handle ko ang lahat. Kasi, hello, wala naman akong knowledge dun [paghawak ng pera]!

"Pero sabi ko, unti-unti, kasi nagkaka-edad na rin ako, saka gusto kong lumaki din na may alam.