Sarah Geronimo on her rebellion stage: "Unang-una sa lahat, big no para sa mga kabataan ang magrebelde. Kung anuman yung pagkakamali na nagawa ko noon, ayokong... ayoko nang maulit pa uli yun. Pero gusto ko ring maging honest. Eventually, kailangan kong matutong mag-decide for myself, on my own. Katulad ng sinabi ni Michael Jackson, nabasa ko dun sa book na ginawa niya—sooner or later, kailangan kong gawin yun. But, of course, nandun pa rin yung respeto para sa mga magulang."

Photo: Noel Orsal

"Pero sabi ko, unti-unti, kasi nagkaka-edad na rin ako, saka gusto kong lumaki din na may alam. 

"Hindi naman kasi lahat ng bagay, natututunan mo sa academics."

Dagdag niya, "Hindi naman issue yung sinabi ko. Hindi naman ibig sabihin nun, gusto kong hawakan ang pera ko. 

"Sobra ang tiwala ko sa nanay ko.

"Alam ko ang pagmamahal sa akin ng nanay ko, talagang walang hanggan.

"So, walang doubt para mag-doubt ako sa kanya when it comes to finances.

"Noon po yun. Saka, hindi naman issue yun."

Tungkol naman sa napabalitang pangungutang niya, ani Sarah, "Magkakaibigan naman kami. Sa lahat naman ng magkakibigan, 'Sis, puwede bang ikaw muna? Pagdating na lang ng mommy ko babayaran?'

"I think, lahat lang ng galaw namin, mina-magnify talaga.

"Nasasanay na rin ako na ganun."

VICE GANDA. Nagsalita rin si Sarah tungkol sa balitang may tampo raw sa kanya si Vice Ganda kung kaya't hindi siya pinayagang mag-guest sa show ng comedian na Gandang Gabi Vice.

Ang pinag-ugatan nito ay ang pagtanggi raw ni Sarah mag-guest sa huling concert ni Vice sa Araneta Coliseum. 

Nabalita rin na kahit daw sa Kris TV ay hindi makapag-guest si Sarah, bilang pagkampi ni Kris Aquino sa kaibigang si Vice.     

Paliwanag ni Sarah dito, "Hindi talaga ako puwede nun, kasi nasa abroad ako nung concert niya.

"Gusto ko ring makapag-guest kay Vice kung nandito ako.