"Kumbaga, hindi lang nakasama ko si Sarah sa Valentine's Day, ibig sabihin, nagmamadali kami. Kumbaga, single siya, single ako. Wala naman pong masama do'n," replies Gerald Anderson when asked if he is courting Sarah Geronimo.

Photo: Monching Jaramillo

Ipinakilala kagabi, February 16, si Gerald Anderson bilang bagong endorser ng clothing line for men na Mint.

Marami ang nagulat sa hakbang na ito ng Kapamilya actor dahil simula pa lang ng showbiz career niya ay identified na siya sa Bench, ang clothing line na pinamamahalaan ni Ben Chan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang taga-press si Gerald sa launch niya kagabi, ang unang itinanong sa kanya kung hindi ba siya nahirapang magpaalam sa Bench na lilipat na siya ibang clothing line.

"Mahirap. Siyempre, doon ka nagsimula," pag-amin ng young actor.

Bagamat hindi na nagbigay ng detalye si Gerald, sinabi niyang, "Sobra po tayong thankful sa Bench. Isa sa pangarap ko ang natupad.

"After ng PBB [Pinoy Big Brother], nakasama ko sila. Sobra akong kinilig at natuwa nang makita ko ang billboard ko sa Edsa. 

"And like I've said, sobra akong thankful nakasama ako sa family nila.

"And now, I have my new family and masaya ako sa pamilya ko."

Ano ang dahilan bakit siya nagdesisyong lumipat ng ini-endorse na clothing line?

"Well, yung mga sinabi ko sa kanila, na may mga charity projects kami na gagawin...

"Yun nga, for the growth of being endorser and change. Change sa buhay, pagbabago," sagot ni Gerald.

May usap-usapan na kaya siya umalis sa Bench ay dahil gusto na raw niyang tuluyang makawala sa loveteam nila ni Kim Chiu.

Gaya kasi ni Gerald, endorser din si Kim ng naturang clothing brand at madalas silang magkasama sa pictorials para rito.

Mariin itong itinanggi ng Budoy star.

Aniya, "Ay, hindi naman.