Anne Curtis admits she is not really a singer, but a performer. "Kaya nagpe-perform na lang ako. Kahit wala nang show... Like, I dance, I have fun. Pero alam naman natin hindi talaga ako singer."

Photo: Noel B. Orsal

Tanging iling at pagtangging sumagot sa isyu sa kanila ni Lea Salonga ang nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Anne Curtis nang makausap namin ang aktres pagkatapos ng pagpapakilala sa kanya ng Century Tuna bilang kanilang bagong celebrity endorser.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Anne at Lea kamakailan dahil sa balitang inilabas ng isang news portal.

Nagkaroon na ng paglilinaw mula sa mismong website, na humingi na rin ng paumahin sa inilabas na hindi kumpletong balita, pero marami pa ring fans ni Anne ang hindi nagustuhan ang mga naging pahayag ni Lea—kahit na hindi direktang tumutukoy kay Anne.

(CLICK HERE to read related story.)

"I'm not gonna comment about it. Sorry," paghingi ng paumanhin ng Fil-Australian actress nang makaharap siya ng PEP sa Mandaluyong Room ng Makati Shangri-La Hotel kahapon, Pebrero 16.

Sa halip, tinanong na lang ng PEP ang aktres tungkol sa repeat ng Annebisyosa concert nito sa Mayo.

"No, no... No repeats," tanggi muna ni Anne.

"It's a world tour lang."

Napa-"naks!" naman ang katabi niyang co-endorser na si Derek Ramsay sa kanyang sinabi.

Natatawang kuwento ni Anne, "When Boss Vic [del Rosario, Viva Entertainment big boss] asked me to do a repeat, sabi ko, 'Hindi ko na po kaya!'

"It's so hard kasi to repeat something that's of novelty, like that.  

"But pinaalala naman niya sa akin, 'Nung pumirma ka ng kontrata, pumirma ka ng world tour.'

"So, happy naman ko, I said, go!

"So, we'll be travelling naman."

Kasama raw sa mga bansang pupuntahan ng Annebisyosa World Tour ang U.S. at Middle East.