Vice Ganda on his weekly show Gandang Gabi Vice: "Naku, ayoko nang manghinayang kasi sobrang pina-extend na nga nila yung blessings. Originally, e, 13 weeks lang talaga, humaba lang nang humaba. Nakadalawang seasons na nga kami, in fact. At saka, mamahinga lang naman kami, 'tapos babalik din naman agad."

Photo: Noel Orsal

Nagpaunlak ng maikling interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vica Ganda sa mismong studio ng It's Showtime sa ABS-CBN kahapon, February 17.

Inusisa namin si Vice sa pagtatapat ng timeslot ng kanilang programa at ng longest-running noontime show sa bansa—ang Eat Bulaga! ng GMA-7.

 

Malaking responsibilidad ba sa parte nilang mga host ang tumapat sa itinuturing nang institusyon sa larangan ng telebisyon?

Sagot ni Vice, "Malaking responsibilidad, pero share-share naman kami rito.

"Team effort, e. Lahat naman kami, e, may kanya-kanyang kontribusyon sa show."

Bukod kay Vice ay kasama rin sa It's Showtime sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienz, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

GANDANG GABI VICE. Bukas, February 19, ay huling episode na ng solo late-night show ni Vice sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice.

 

Hindi ba siya nanghihinayang na mawawala na sa ere ang kanyang show kahit mataas pa naman ang rating nito?

Sabi ng comedian-TV host, "Naku, ayoko nang manghinayang kasi sobrang pina-extend na nga nila yung blessings.

"Originally, e, 13 weeks lang talaga, humaba lang nang humaba. Nakadalawang seasons na nga kami, in fact.

"At saka, mamahinga lang naman kami, 'tapos babalik din naman agad.

"Pero ang nakakatuwa kasi, yung effect sa tao na mawawala na yung GGV, e, malaki.

"Parang nagmamakaawa sila na 'wag tanggalin, ayaw nilang mawala sa ere ang show.

"Ang daming sumusulat sa ABS CBN, sa Twitter...

"Grabe ang reaksiyon nila. Nakakatuwa talaga."

Gaya nga ng sinabi ni Vice, magbabalik naman daw sa ere ang kanyang weekly show.

"Actually, yun pa rin ang format at title, pero seasonal na lang.