Dawn Zulueta on Coco Martin: "Napakabait niya at ang gaan-gaan niyang katrabaho. Gentleman talaga siya. Tinutulungan niya ang kung sinuman sa amin na may mabigat na dala-dala. Sobrang gentleman niya. Gusto ko ngang iuwi na lang siya, e!"

Photo: Noel Orsal

Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng ABS-CBN primetime series na Walang Hanggan sa isang malaking bahay sa Antipolo kahapon, February 17. Dito namin nakausap ang isa sa mga bida ng teleserye na si Dawn Zulueta.

Tuwang-tuwang ikinuwento ni Dawn sa PEP ang nangyaring one-week taping nila ng co-star niya sa Walang Hanggan na si Coco Martin sa Italy.

Sa istorya ay si Dawn ang gumaganap na ina ni Coco bilang Daniel, pero hindi nila alam pareho na mag-ina pala sila.

Lahad ng aktres, "Kinunan na namin ang mga eksena namin sa Italy. Ito yung niyaya ko siya na sumama sa akin.

"Sometime next week pa ito ipapalabas.

"We went there January 22, one week kami roon. Kasama ko lang manager ko, si Vivian Recio.

"Ang saya-saya talaga!"

Dagdag pa ng aktres, "Well, nakapag-shopping din naman ako.

"I had only two days na mag shopping—the first day na pagkarating namin and the day we left.

"It is the only time I spent with myself. And all the days, taping na talaga."

Winter daw nang magpunta sila sa Italy.

"Super-lamig doon!" bulalas ni Dawn.

"Sayang nga, hindi namin nakunan yung snow.

"Kasi kung nag-extend pa sana kami ng konti, e, nakunan sana namin yung grabeng pag-ulan ng snow."