Marco Gumabao on his idol in showbiz: "Yung gusto ko talaga si ano, si Sam Milby, kasi idol ko siya, as in yung no'ng nasa PBB [Pinoy Big Brother] pa siya before, talagang mabait at saka wholesome talaga siya."

Photo: Monching Jaramillo

Sa press screening ng "comedyserye" ng ABS-CBN na Luv U noong Sabado, February 17, sa Dolphy Theater, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa cast members nito—ang newbie teen actor na si Marco Gumabao.

Ito ang unang sabak ni Marco sa showbiz, kumpara sa mga kasamahan niya sa show na pawang galing sa kiddie gag show na Goin' Bulilit: Miles Ocampo, Angeli Gonzales, Kiray Celis, CJ Navato, Igiboy Flores, at Alfred Labatos.

May pressure ba na siya lang ang baguhan sa cast members ng Luv U?

Sagot ni Marco, "For me naman, una, nakakakaba, kasi wala akong experience sa acting and first time ko sumabak sa showbiz.

"So, parang malaking pressure para sa akin. Kasi mga makakasama ko, mga experienced na artista, 'tapos ako lang yung pinakabago na talaga.

"So, kailangan kong i-step up yung ano ko [sarili ko]," paliwanag ng 17-year-old actor.

Paano siya na-discover?

"A, yung mom ko kasi, close friend siya ni Direk Bobot [Mortiz].

"So, parang tinext lang ako one night na tinatanong kung gusto ko mag-artista. Sabi ko, 'O, sige, why not naman?'" sabi ni Marco.

Si Marco ay anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at pamangkin ng character actress na si Isabel Rivas.

WORKSHOPS. Nagkuwento rin si Marco kung paano siya nakakasabay sa mga kasamahan niya sa show.

"Noong una naman kasi, nagkakilala kami lahat sa workshop, kasi sabay-sabay kami and sobrang saya naman.

"Kasi lahat sila masayahin at ano, nakakausap, at hindi ka talaga nila ipi-feel na parang left out ka.

"So, sobrang saya talaga na hindi ako... hindi nila ako... hindi ko na-feel na nahirapan.

"Kasi nando'n sila sa side ko, na tinutulungan ako anytime na nagkakamali ako, any tapings."