"Sa ngayon ho, wala."'
Ito ang sagot ng model turned actor na si Ervic Vijandre nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kumusta na ang kanyang lovelife.
Magkaibigan pa rin daw sila ni Rich Asuncion, ang pinakahuling babaeng naugnay sa kanya.
"Okay kami, magkaibigan kami," sabi pa ni Ervic.
Wala pa raw isang buwan silang naging magkasintahan ni Rich.
"Oo!" ang natatawang sabi ni Ervic.
SHORT-LIVED ROMANCE. Bakit hindi sila nagtagal?
"E, kasi nga po, nag-date kami for almost... like four months, 'tapos eventually, sabi namin, na i-try naming maging kami.
"'Tapos, parang hindi... parang hindi, e. Parang parehas naming na-realize na hindi kami ready, hindi kami ano... ganun.
"So, 'Kesa magkaroon tayo ng masamang relasyon, let us stay as friends na lang.' So, iyon.
"Mas okay kami as friends kasi, e," paliwanag ng former Survivor Phipppines Celebrity Showdown castaway.
Pero magkasama raw sila ni Rich noong birthday ni Ervic last January 26.
"Oo, mga barkada ko po, nung salubong po nung birthday ko."
So, nagkikita at nagkakasama pa rin sila ni Rich?
"Oo, nagkikita pa rin po kami, pero sa barkada lang, kasi po same barkada kami, e.




0

