"You know, feeling-Pinay na ako, e. I have my visa, my working visa, I already paid my duties, you know. And I love working in Eat Bulaga! every single day. I love the Filipinos, I learned the language... Bakit naman babalik ako dun sa Brazil?" says Daiana Menezes.

Photo: Noel Orsal

Hindi naging maganda ang nakaraang taon para sa Eat Bulaga! mainstay na si Daiana Menezes.

April 2011 nang sampahan ng tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Brazilian model.

Paliwanag naman niya tungkol dito, "It wasn't my fault totally. I'm not like totally defending myself, but I just wanna use it as a sample for those who are not paying their taxes. Na dapat naman talaga you have to check yourself.

"Kasi nga, parang... ako I just believed lang on my former manager, who apparently wasn't taking care of my taxes and then iyon yung nangyari."

Ginawa ni Daiana ang pahayag na ito sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, February 18.

October 2011 naman nang masunog ang tinitirhan niyang condo unit.

Last year din sila nag-break ng director na si GB Sampedro, sa kabila ng muntik na silang magpakasal.

"Ang lovelife ko for this year will be resting, you know? No more na... trauma!" natatawang sabi ni Daiana.

"Trauma!

"Ano ba naman, imagine, di ba, you're supposed to get married, hindi natuloy.

"Of course, it's a traumatic experience so for me, rest na lang muna yung puso ni Daiana."

FEELING PINAY. Dahil sa sunud-sunod na problemang kinaharap niya dito sa bansa, totoo nga bang babalik na siya sa Brazil?

"Actually, I had an offer naman to go back to Brazil and then to host a show there and start a career there.

"Pero ano ba? After all I've gone through here in the Philippines, after you know, like becoming... I'm a Filipina," sabay-tawa niyang muli.

"You know, feeling-Pinay na ako, e. I have my visa, my working visa, I already paid my duties, you know.