Bianca Manalo gives boyfriend John Prats surprise birthday party on Valentine's Day

Demai G. Sunio-Granali
Sunday, February 19, 2012 @ 07:20PM  |  63156 views

 

Naging espesyal para kina Bianca Manalo at John Prats ang araw ng Pebrero 14, 2012. Ito kasi ang una nilang Valentine's Day bilang magkasintahan at unang pagkakataon na nagdiwang si John ng kaarawan kasama si Bianca. Ipinaghanda raw ni Bianca ng surprise party ang nobyo na dinaluhan ng pamilya at malalapit nilang kaibigan. Natuwa naman daw ang pamilya Prats sa ginawang ito ng dalaga dahil ito raw ang unang pagkakataon na nabigyan ng surprise party si John.

Photo By: Karen A. Pagsolingan













Hindi maitago ni Bianca Manalo ang kanyang kasiyahan sa pagkakapili sa kanya bilang kauna-unahang Filipina at Asean endorser ng hair salon products brand na L'Oreal Matrix.

"Sobra kong saya na napagkatiwalaan ako," saad ng dating beauty queen matapos ang kanyang contract signing sa naturang kumpanya noong Biyernes, Pebrero 17, na ginanap sa L'Oreal Academie sa Ortigas.

Dagdag pa niya, "Kasi, di ba, parang kapag nasa salon ka, typical na nakikita n'yo mga foreigners, international models?

"Ngayon lang, parang kapag dumaan ka, 'Wow, may poster ako sa salon!' So 'yon, ang saya lang."

Patuloy na nadadagdagan ang endorsements ni Bianca. Noong nakaraang taon ay pumirma rin siya ng kontrata para maging endorser ng isang beauty brand.

Handa na ba siyang makipagsabayan sa ilang top celebrity endorsers ng bansa, 'tulad halimbawa ni Kris Aquino?

"Naku! Siyempre, iba naman po talaga kapag sila Kris Aquino na 'yan, number one talaga siya.

"Ako naman po, kung ano lang ang dumating sa akin, siyempre magpapasalamat ako kay Lord at pasasalamatan ko 'yong company na pagkakatiwalaan ako.

"Sa ngayon po, thankful lang ako."

Ano naman ang komento ng nobyo niyang si John Prats sa bago niyang endorsement?

"Siyempre, ano, very proud, masaya siya. Uhm, pa'no ko ba 'to i-explain?

"'Yon nga, e, bilang first Pinay na mag-e-endorse ng hair color [brand] sa Asean at sa Philippines, siyempre nakaka-proud naman talaga.

"Kung ako nga proud sa sarili ko, e, yung family ko pa kaya saka 'yong mga taong malapit sa 'kin?"

JOHN'S BIRTHDAY AND VALENTINE'S DAY. Noong Martes, Pebrero 14, ay ipinagdiwang ni John Prats ang kanyang ika-28 na kaarawan.

Ano ba ang iniregalo ni Bianca sa kanyang kasintahan?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name