Bing Loyzaga says she was suprised at the offer of TV5: "Nagulat nga ako nang alukin nila ako ng kontrata. Akala ko joke. Ako, ikokontrata? Bata tayo? Eighteen years old ako? Yun pala, eh serious sila. They want me to be part of their many projects for the next three years. E, sino naman ako para tumanggi sa kontrata na 'yan? Pipirma na lang ako, di ba? Kaya natuwa naman ako at nabigyan ako ng importansiya ng TV5."

 

Photo: Noel Orsal

Exclusive ang kontrata ni Bing Loyzaga sa TV5 kaya for the next three years ay sa Kapatid Network lang siya mapapanood.

Masaya nga si Bing dahil hindi niya inaasahan na puwede pa palang ikontrata ang tulad niya, kaya feeling bagets daw siya ngayon.

"Feeling ko, may asim pa rin ako!" tawa ni Bing nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng mga bagong shows ng TV5 sa NBC Tent at The Fort sa Bonifacio Global City, Taguig.

"Mga bata kasi ang bini-buildup kaya kaming mga senior stars, kung tawagin ay kinukuha na lang nila kapag available.

"Di ba, mga bagets lang ang kinokontrata ng mga TV networks?

"Nagulat nga ako nang alukin nila ako ng kontrata. Akala ko, joke. Ako ikokontrata? Bata tayo? Eighteen years old ako?

"Yun pala, e, serious sila [TV5]. They want me to be part of their many projects for the next three years.

"E, sino naman ako para tumanggi sa kontrata na 'yan? Pipirma na lang ako, di ba?

"Kaya natuwa naman ako at nabigyan ako ng importansiya ng TV5.

"Sa totoo lang, kaya nga ang mga kaedad ko, e, palipat-lipat ng istasyon kasi nga, kung sino ang magbibigay ng trabaho, doon tayo.

"Ngayon, magsasawa sila sa akin sa TV5!" tawa niya.

Dahil nga sa exclusive contract niya sa TV5, hindi siya puwedeng lumabas muna sa Kapuso o Kapamilya network.

"But of course, I miss working with both GMA-7 and ABS-CBN. They have been good to me.

"They gave good projects na sobrang nakatulong sa akin at sa pamilya ko.