Marian Rivera on Direk Mac Alejandre's transfer to TV5: "Of course, oo naman, nalungkot ako. Pero hindi ko siya ikinagulat kasi bago pa man siya lumipat, kinausap na niya ako at isa ako sa mga taong... kaya sobrang happy ako at ganun na lang din yung pagpapahalaga ko sa kanya, kasi isa ako sa mga taong sinabihan niya na lilipat siya."

Photo: Noel Orsal

May lihim na dahilan daw si Direk Mac Alejandre sa paglipat niya sa TV5 at si Marian Rivera lang ang nakakaalam kung ano ito.

Pero ayon sa Primetime Queen ng GMA-7, sa kanila na lang iyon ng direktor.

Ang huling proyekto ni Direk Mac sa GMA-7, bago siya lumipat sa TV5, ay ang epic-serye ni Marian na Amaya.

Ikinalulungkot ni Marian ang paglipat ni Direk Mac sa TV5, pero hindi raw siya nagulat.

"Of course, oo naman, nalungkot ako.

"Pero hindi ko siya ikinagulat kasi bago pa man siya lumipat, kinausap na niya ako at isa ako sa mga taong...

"Kaya sobrang happy ako, at ganun na lang din yung pagpapahalaga ko sa kanya, kasi isa ako sa mga taong sinabihan niya na lilipat siya," pahayag ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paano kung siya naman ang alukin ng TV5 ng kontratang mahirap tanggihan?

"Ang haba pa ng contract ko dito sa GMA! Magkakaanak na ako't lahat-lahat, nandito pa rin ako!" natatawang sagot ni Marian.

Hindi ba niya sinubukang pigilan si Direk Mac?

"Yung mga pagkakataong nag-uusap kaming dalawa, oo.

"Kasi sobrang love ko yung direktor na 'yan at masasabi ko na isa siya sa mga direktor na minahal ako bilang ako.

"At nakita ko sa kanya na sobrang laki ng tiwala niya, na kapag may mga binibigay siyang eksena na, 'O, Yan, dito ka, ito ang gagawin mo.'

"'Tapos, bahala na ako sa sarili ko. Ganun kalaki yung tiwala niya sa akin, na hindi na niya kailangang sabihin lahat sa akin.