Rhian Ramos on why she was with Aljur Abrenica last Valentine's Day: "Kasi 'yong shooting namin, February 13, na-extend hanggang February 14. Oo. So, no'ng hatinggabi, 'sakto, kissing scene pa namin no'n."

Photo: Noel Orsal

Matapos ang matitinding kontrobersiya tungkol sa kanilang dalawa ng ex-boyfriend niyang si Mo Twister, parang okay na ulit si Rhian Ramos sa paglabas niya sa Party Pilipinas kahapon, Pebrero 19. 

Masigla siyang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga TV crew ng GMA-7 para sa isang panayam sa lobby ng Kapuso network.

"I'm happy to be here," nakangiting bungad ng Kapuso actress.

"Siyempre, na-miss kong mag-perform on TV, lalo na kapag live, nakikita mo 'yong mga mukha ng audience.

"Kasi nakikita ko 'yong fans ko, nando'n sila. 

"Mero'n pa silang banner ko. So, nata-touch ako kapag gano'n, e."

GOING INTERNATIONAL? Tuluy-tuloy na uli siyang mapapanood ng mga tagahanga niya? 

"Yes, I think so. Uhm... kasi ngayon, I came back to tell everyone na... about the good news," balita niya.

Nag-perform si Rhian sa Party Pilipinas kahapon kasama ang co-stars niya sa pelikulang The Road, ang horror-suspense movie ng GMA Films na ipinalabas noong 2011.

Magkakaroon kasi ng international screening ang pelikulang ito ni Yam Laranas simula sa May 11.

Sabi pa ni Rhian, "Isa na nga 'yong The Road is... international film na.

"Ipapalabas ito sa U.S. at sa Canada. Mero'n kaming red-carpet premiere doon.

"I think ang pupunta... ako, si TJ [Trinidad], si Alden [Richards], si Louise [delos Reyes], at siyempre si Direk [Yam]."

MY KONTRABIDA GIRL. Bukod pa rito ay may ipapalabas siyang pelikula katambal si Aljur Abrenica.

"And also, 'yong movie namin ni Aljur [Abrenica] na My Kontrabida Girl, natapos na naming i-shoot. At malapit na itong ipalabas.