Mrs. Divine Geronimo tells daughter Sarah: "Siyempre, hinahangad ko din kako ng mag-aalaga talaga sa iyo, sasandalan mo. Kahit wala na ako, wala na ang daddy mo, talagang magiging kampante kami na magiging maganda ang buhay n'yo dahil nakatagpo kayo ng matinong tao. Hindi kailangang guwapong-guwapo."

Photo: Noel Orsal

Sa isang pambihirang pagkakataon, pumayag sa mahaba-habang interview si Divine Geronimo, ang ina ni Sarah Geronimo, sa Showbiz Inside Report (SIR) ng ABS-CBN noong Sabado, Pebrero 18.

Sa panayam ni Janice de Belen kay Mommy Divine, una nilang napag-usapan kung anong klaseng pagpapalaki ang naranasan niya sa kanyang mga magulang kaya ganun din ang ginawa niya sa mga anak niya, kabilang na nga si Sarah.

Panglabing-isa si Mommy Divine sa labindalawang magkakapatid.

Hindi na bago sa kanya ang pagsisikap para makaahon sa hirap ng buhay dahil naranasan na niya ito noon.

Salaysay ni Mommy Divine: "Marami kaming magkakapatid. I'm the second from the youngest.

"Hindi ko talaga naranasang lumabas. Talagang school-bahay ako.

"And then working during daytime. And then gabi ako nag-aaral. Walang nasasayang sa oras ko.

"Pinalaki kami ng mga magulang namin at saka lola ko. Lola ko talaga, sobrang madasalin at saka sobrang bait.

"So, parang sa akin, parang na-inherit ko yung pagiging ganun na istrikto yung parents ko, yung lola ko.

"Maganda yung kinalakihan namin.

"Sobra kong minamahal yung kung paano ko nakita sa mga matatanda namin na kung paano nila pinapalaki yung mga dalaga.

"Talagang tinandaan ko yun."

OBEDIENT CHILD. Ang konserbatibong pagpapalaki kay Mommy Divine ang naging gabay niya sa pagtataguyod sa kanyang pamilya, lalo na kay Sarah na mula pa pagkabata ay kinakitaan na niya ng pagkahilig sa pagkanta at pag-aartista.

Paglalarawan ni Mommy Divine kay Sarah noon: "Bubbly, masayahin, mabait na bata.