"When everything has been said and done, siguro it's safe to say I have lived my life. And... there's always a new chapter waiting to be explored," says Luis manzano when asked if he's now ready to get married.

Photo: Noel Orsal

Sobrang excitement daw ang nararamdaman ni Luis Manzano sa nalalapit na pagbabalik sa ere ng Kapamilya Deal Or No Deal, na magsisimula sa February 25.

Si Luis na ang bagong host nito kapalit ni Kris Aquino.

"I'm very proud and anxious.

"Kausap ko nga 'yong staff [ng show] kanina, and they're very, very happy with the outcome," sabi ng TV host-actor nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang mag-guest sa The Buzz kahapon, February 19.

Nakapag-taping na raw sila ng pilot episode ng nabanggit na game show, pero aminado siyang may nararamdaman pa rin siyang kaba.

"Oo, ninenerbiyos pa rin ako. But still, I believe in the show. 

"Kahit pa'no naman, alam ko ang mangyayari. 

"I'm just very excited sa pinaghirapan ng mga tao sa likod ng camera," sabi ni Luis.


WHAT TO EXPECT FROM THE SHOW. Marami umanong bagong aabangan ang viewers sa muling pag-ere ng Kapamilya Deal Or No Deal.

Kuwento ni Luis, "This time, ang mangyayari ay... may 24K girls, hindi na 26. 

"'Tapos iba na si Banker. Mas malupit na si Banker ngayon.

"At mas marami nang factors na dapat abangan. 

"Hindi na ito 'yong simpleng offer ni Banker, 'Deal.' Tapos ilalaban. Or 'No deal... ituloy natin ang game.'

"May offer na rin si Banker para sa family [ng contestant]. 

"May papasok din na puwede mo nang i-swap ang briefcase mo... marami nang pagbabago."