"Like if I see na medyo mayaman ang character ko, medyo bitchy, I watch movies na medyo bitchy 'yong mga girls, gano'n.
"You just have to study the character, hindi 'yong basta-basta, you have to study the character.
"So far, 'yong mga roles ko, medyo pareho lang, pareho mga roles.
"Pero I think mas challenging 'yong character ko sa Boy Pick-Up movie kasi fully Tagalog ['yong script]."
BOY PICK UP. Tulad ng nabanggit ni Solenn, kasama rin siya sa cast ng Boy Pick-Up na pagbibidahan ni Ogie Alcasid.
Isang panibagong karanasan ito para kay Solenn dahil bukod sa comedy ang tema nito'y purong-Tagalog ang mga linya niya.
Kaya naman puspusan ang ginagawa niyang paghahanda para sa nasabing pelikula.
Aniya, "I read it ahead of time, 'yong script nasa akin na for two weeks.
"So, every night, I practice na the lines. I try to delivery it differently to see ano mas bagay sa role ko do'n, ganyan.
"Kada may free day ako, may Filipino tutor ako. Pero kung hindi, sa set lang ako nag-aaral or nag-practice.
"So, 'yon lang kasama ko si Ogie, super happy ako kasi idol ko siya and magaling siya sa comedy.
"So, excited na ako para sa shoot ng Boy Pick-Up."




0

