"Meron din. Meron din. May buwis-buhay din. 'Tsaka hindi naman siyempre gagawa ang... ng ganitong show kung wala silang mapapanood na kailangang mapag-usapan nila," says Jose Manalo (left) when asked if he's going to have "buwis-buhay" number like his partner Wally Bayola (right).

Photo: Monching Jaramillo

Ano ba ang mga dapat abangan sa kanilang concert?

"Surprise!" halos sabay na bulalas ng dalawa.

May mga "buwis-buhay" ba silang production numbers?

"Si Wally may buwis-buhay!" natatawang turo ni Jose sa kanyang kasama.

Kung may buwis-buhay number si Wally, si Jose ba ay meron din?

"Meron din. Meron din. May buwis-buhay din.

"'Tsaka hindi naman siyempre gagawa ng ganitong show kung wala silang mapapanood na kailangang mapag-usapan nila," sagot ni Jose.

Dagdag naman ni Wally, "Pero sa lahat-lahat talaga na nakita naming... yung buong programa, concert talaga. Concert talaga siya."

Pagpapatuloy ni Jose, "Hindi namin ginagawa 'to... Kaya yung pinag-aaralan naming kanta, mula do'n sa sasakyan, yun ang tugtog.

"Hanggang sa bahay, hanggang sa kalsada kami, pati sa iPod... nakasaksak na lahat sa 'min para mapulido lang namin pagkagawa."

Dahil concert ang kanilang gagawin, baka naman mawala na yung pagpapatawa na siyang inaabangan mula sa kanilang dalawa?

Sabi pa rin ni Jose, "Balance na balance yung kantahan, yung sayawan.

"Yung comedy, ipapasok para mapahinga yung tao sa tenga sa kakapakinig ng kanta.

"Kailangan ipasok yun para tumawa nang tumawa yung mga tao."

May mga green jokes din ba sila gaya ng mga jokes nila sa comedy bars?