Break na sina Melai Canteveros at Jason Francisco.
Ito'y ayon sa artikulong lumabas sa ABS-CBN News ngayong hapon, Pebrero 21.
Naimbitahan sina Melai at Jason sa Big Brother House noong Linggo, Pebrero 19, para tulungan si Kuya na bigyan ng task ang mga natitirang housemates sa kasalukuyang season ng Pinoy Big Brother.
Unang nagkakilala at nagkapalagayan ng loob ang dalawa nang lumahok sila sa naturang reality show noong 2009, kung saan itinanghal na Big Winner si Melai.
Napuna ng marami ang tila hindi pagpapasinan ng magkasintahan, hanggang sa nagtanong ang housemate na si Carlo Romero kay Melai kung boyfriend ba nito sa totoong buhay si Jason.
Ang naging sagot ng komedyana: "Hindi, oo, hindi."
Ngunit tila hindi nakuntento ang housemate na si Deniesse Joaquin, tinanong niya si Melai kung hiwalay na ba sila ni Jason.
"Parang ganoon nga. Pero hindi na naman ako galit sa kanya ngayon," sagot ni Melai.
MISUNDERSTANDING. Matapos mapuna ang kakaibang ikinikilos ng dalawa'y naisipan ni Kuya na kausapin si Jason.
Dito'y inamin ni Jason na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ni Melai.
Nag-ugat daw ito sa party ng kapwa nila ex-housemate na si Paul Jake Castillo.
Kuwento ni Jason, "Sa natatandaan ko kasi, hindi ko siya na-invite sa bahay ni Pareng Paul Jake.
"Akala niya, na-feel niya lang na di siya importante sa akin.
"In-explain ko naman sa kanya na minsan ay gusto ko ding mag-isa kasi may iniisip ako para sa amin.
"So, na-feel niya yata nanlalamig ako sa kanya o wala na akong feelings.




0

