news

Erich Gonzales thanks fans for supporting Maria la del Barrio; excited about movie with Thai heartthrob Mario Maurer

by Nerisa Almo posted on February 22, 2012  STATS: 10157 Views | 32 Comments

 

"This is very challenging. I make it a point naman po na sa bawat proyekto na gagawin ko, ibang Erich naman ang makikitang atake," says Erich Gonzales about her role in the TV series Maria la del Barrio, which is set to end this Friday.

Photo By: Noel Orsal

Personal na binisita ng young actress na si Erich Gonzales ang mga matatandang naninirahan sa Kanlungan ni Maria sa Nayong Silangan, Antipolo City, kagabi, Pebrero 21.

Walang anumang espesyal na okasyon ang dahilan ng pagbisita ni Erich sa nasabing home for the aged. Naisipan lang daw niyang dumalaw dito bilang pasasalamat na rin sa mga biyayang natatanggap niya ngayon.

"Pasasalamat lang din sa mga blessings na dumating na gusto ko lang i-share.

"Kumbaga, I'm paying it forward po para sa lahat ng mga magagandang bagay," sabi ni Erich sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa isang tauhan ng Kanlungan ni Maria, masugid na inaabangan ng ilan sa kanilang mga inaalagaan ang teleserye ngayon ni Erich—ang Maria la del Barrio.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ng 21-year-old actres at ipinadama niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng salu-salo at ilan pang mga pangunahing pangangailangan ng 21 elderlies na kasalukuyang naninirahan dito.

MARIA LA DEL BARRIO FINALE. Umaasa naman si Erich na mananatiling nakatutok ang mga manonood sa nalalapit na pagtatapos ng soap opera nila ni Enchong Dee.

Aniya, "Sana huwag silang bumitiw at abangan nila 'yong mangyayari.

"Abangan nila ang magiging ending ng lahat ng mga kaganapan sa Maria la del Barrio."

Para sa Star Magic talent, maituturing niyang isa sa mga hindi malilimutang pagganap ang naging karakter niya sa naturang teleserye.

Sabi pa ni Erich, "This is very challenging. I make it a point naman po na sa bawat proyekto na gagawin ko, ibang Erich naman ang makikitang atake.

"Masaya naman po ako na sinuportahan nila, pinanood po nila simula sa umpisa.

"Sana hanggang sa huli samahan po nila kami."

Muli rin siyang nagpasalamat sa mga sumuporta sa programa, na magtatapos ngayong linggo.

"Maraming-maraming salamat po sa mga viewers na talagang nanonood every day, dahil po sa kanila, tumagal kami ng ganito.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

32 Comments

  • 12  chenez88

    02/22/2012 | 02:42 PM
    Madami talagang inggit sa panahon ngayon!! STARLET? Ganyan na pala ang starlet ngayon, palagi title role, mataas ang rating ng lahat ng serye at ang Maria la del Barrio lang naman ang pinakamatagal na umere sa lahat ng pinalabas ng Dos during the last quarter. Bumabaha kasi ng ad loads. After her serye, may movie with Derek tapos lilipad sa Bangkok to shoot the next movie with Mario.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  MarieJuanaofMissosology

    02/22/2012 | 02:33 PM
    ay dakilang starlet!!! starlet kahapon..starlet ngaun...starlet magpakailanman.....lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Xoxo30

    02/22/2012 | 01:51 PM
    i can say di nman cguro bibigyan ng maraming projects na sunod2x kong di xa bankable tlaga nman ngrarating show nya.. npapansin ko kasi medyo tipid s exposure c Erich about his personal life like even before and now lagi nman xa pumupunta s mga charity pro di ineexposed un. unlike others na halos lahat ng galaw nsa magasin or every program feature kaagad kc may malakas n kapit.. inferness nman ky Kris Aquino today my nilabas xang something good and it's real Ericn na she's beautiful inside out...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tearhere

    02/22/2012 | 12:26 PM
    Magaling xang umarte, the thing is, mahina hatak ni Erich, dami ng projects na binigay ang ABS sa knya, karamihan puro xa un bida, nauna pa xa mag-artista ke Kim Chiu, pero di masasabi na bankable tlga xa. But gudluck 2 her,mukang mabait nman tong batang 'to eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    02/22/2012 | 12:21 PM
    4, Nanunuod ka rin? Wow thank u! Acting niya Ribera wala sa katiting ni Erich, taob si reyna nyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Anan1574

    02/22/2012 | 12:01 PM
    go! Erich proud ako sayo ng sobra sa lahat nang naabot mo sa buhay.magaling ka at magaling din sa buhay.stay humble. pinagpala ka ni Lord ng husto kasi mabait kang bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    02/22/2012 | 11:54 AM
    itsa me, mario!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jthreer

    02/22/2012 | 11:26 AM
    i love you erich, sinusuportahan ka namin, simula pa nuong star circle quest days...17
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    02/22/2012 | 11:20 AM
    Mismanaged naman ang career ni Erich sa ABS CBN, like now, hindi mo masyadong naranasan sa ABS CBN ang makapag portray ng mga roles na bagay LANG sana sa edad mo na isang dalaga, hindi iyong mga roles na pang mat rona at pang dalagang ina or ab or syo nista! Huwag madaliin ang pagMATURE sa mga roles, enjoy the moment at hindi yung nagra rush ka sa mga kung ano anong mga UNWARRANTED decisions ng mga ilang execs ng Dos! Eh di ba nga few years ago, BINAWASAN ang tunay na edad mo sa publication ng Star Magic Mags ng ABS CBN, ni published na 16 ka lang daw eh ganung 18 ka na that time! Ngayon naman, pilit DINADAGDAGAN ang edad mo para magmukhang mature. So AWKWARD, so PERVERSE gesture of ABS CBN
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    02/22/2012 | 11:20 AM
    artista pala 'to. sya ung sa commercial ng SURF diba? lumen ata name nya dun sa commercial.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TigerPack

    02/22/2012 | 11:04 AM
    kamukha nya si kc dito, diba ung suddenly its magic un ung flop movie ni richard? pwd iba nlng baka ma flop ulit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chenez88

    02/22/2012 | 10:52 AM
    Erich Gonzales is the nest among her contemporaries! She can do mature roles effortlessly Hindi pa-cute at tweetums! Most of all, she one helluva dramatic actress. Ikaw na Maria! May Corazon and Suddenly It's Magic Pa! Iba na ang may talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About