"Sa ngayon po, talagang ayoko pong magpadala kami sa pressure. Yung friendship po namin, gusto ko mag-grow pa. Mas makilala siya nang husto. At gusto ko rin naman na kapag meron na akong courage to open up my heart. Again, nang makilala n'yo rin ako nang mas mabuti pa," says Sarah Geronimo when asked if she and Gerald Anderson are in a relationship.

Photo: Noel Orsal

Iilan lang sa mga artista sa Pilipinas ang ginamit ang kanilang pangalan para sa isang title ng TV show. Ilan sa kanila ay sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, at Maricel Soriano.

Ngayon, pagkatapos ng mahabang taon na walang gumagamit ng kanilang pangalan bilang title ng kanilang show, heto si Sarah Geronimo na mapapanood sa sarili niyang musical-variety show—ang Sarah G Live!.

Sa live interview ni Sarah sa The Buzz noong Linggo, February 19, ang unang tanong sa kanya ni Boy Abunda ay kung gaano katindi ang pressure na nararamdaman niya na pangalan niya ang ginamit na title sa kanyang show?

"Una po sa lahat, gusto ko lang pong sabihin na I'm truly grateful po sa ABS-CBN station. Sa tiwala po na ibinibigay po nila sa akin.

"Unang-una po, sa ASAP. Yung ASAP family ko po.

"In a way, parang naging training ground ko po ang ASAP. 'Yan po ang nag-improve sa akin. 

"Tumulong sa aking mag-improve as a performer, as singer... sila po ang nag-welcome sa akin talaga with open arms talaga.

"Kahit baguhan pa lang po ako, nangangapa pa po ako, grabe po ang tiwalang ibinigay nila sa akin. 

"Ang ABS-CBN din po ang unang nagbigay sa akin ng teleserye and this time, ito na po ang my very own musical-variety show. 

"So, sobra po akong thankful and truly honored na mapagkatiwalaan ng ganito kalaki."

Gaano kalaki ang kaba?

"Hindi po ako makahinga..."

ASAP ISSUE. Sa pagkakabanggit ni Sarah sa ASAP, may nagsasabi na diumano'y siya mismo ang humingi sa network ng sarili niyang show dahil may mga taong hindi raw niya kayang makatrabaho sa show.

Ano ang totoo sa bagay na ito?

Natawa naman si Sarah bago sumagot.