news

Part 2 Zoren Legaspi on closet queens: "Mahina ako sa mga nagtatagong ganyan, e. Talagang hindi ko mabasa. Ang kaya kong basahin ay iyong ladlad na."

by Nonie V. Nicasio posted on February 22, 2012  STATS: 17397 Views | 15 Comments

 

"Talagang hindi ko mabasa. Ang kaya kong basahin ay iyong ladlad na. Pero iyong sinasabi nilang mga pang-amoy, iyong sinasabi nilang malansa, iyong paminta [pa-mhin]... iyong mga ganoon, mahina ako diyan. Hindi ko kayang basahin ang mga ganyan," says Zoren Legaspi when asked if as a TV talk show host he knows who the closet queens in showbiz are.

Photo By: Nimfa Chua

Nagkantiyawan sa ere ang dalawa sa hosts ng Paparazzi na sina Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez noong Sabado, February 18.

Tinanong kasi ni Zoren kung okay lang kay Ruffa na interbyuhin niya si Nadia Montenegro, na kaaway at kademandahan ng nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Dahil dito ay kinapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren.

Tinanong namin siya, bilang isang talk show host, sino ang pangarap niyang ma-interview sa Paparazzi, ang showbiz talk show ng TV5?

Sagot niya, "Ang gusto ko talagang ma-interview 'yong may mga issues talaga. Because I'd like to clear things out.

"You know, ayaw ko namang may gulo. I like patching things up.

"Kung may away, gusto ko ay laging malinaw ang story.

"Kasi, para hindi lumabas na magulo ang showbiz industry.

"Kasi minsan, miscommunication lang talaga ang problema.

"Minsan ay hindi nakakapag-usap iyong dalawang tao.

"Nagre-rely doon sa mga isinusulat kaya lumalaki ang mga issue kung minsan," paliwanag pa niya.

MO TWISTER. Isiniwalat din ni Zoren na karamihan ng mga source o baon niyang mga intriga sa Paparazzi ay galing kay Mo Twister.

"Dati si Mo talaga ang nagpi-feed sa akin. Dahil alam mo naman si Mo, maraming sources 'yan, e.

"Ngayon, kung ano lang din ang mabasa ko, mabalitaan ko, kung ano lang 'yong dumating sa aking balita, 'yon.

"Pero I don't really exert effort na para makaalam ng mga latest showbiz news, hindi ko naman ginagawa 'yon.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  paraquepa

    02/23/2012 | 01:55 PM
    Cute naman ng pic ni Zoren sindya nya siguro yung pouty lips nya hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  chantyllan

    02/23/2012 | 11:57 AM
    abscbnkapamilya, kanina pa ako naiintriga dyan sa webcam na yan ah. Nabalita ba yan dati? Si Mark ba? Ano ba yun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  abscbnkapamilya

    02/23/2012 | 12:25 AM
    Piolo, binabalitang beki pero anong nangyari? humina ba yung kinang nya? He's still Bankable at di nanalo ang MASAMANG plano nina lolit.. ahahahaha.. Sina enchong palagi pinagdududahan pero may nangyayari bang masama sa career nila? wala diba? Kesa naman manlait at mangialam kayo sa buhay ng mga artista ng Dos, bakit di nyo bantayan mga artista nyo para naman sumikat at di gumawa ng scandal, magpakita ng ano sa webcam at magpaabort.. ahahahaha.. Nganga mga gma pans. ahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lostris

    02/23/2012 | 12:12 AM
    di naman siguro. ano si mina, beki magnet? lahat na lang makuha beki?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  czeska221

    02/22/2012 | 10:18 PM
    bakit naka pout ang lips? so beki haha...hmmm zoren?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pearl102

    02/22/2012 | 09:24 PM
    8 MarieJuanaofMissosology February 22, 2012 16:57 PM No 7, beki ako pero di ako tumitili pag nagugulat o pag ginugulat. pag pogi ang nanggulat sa akin niyayapos ko. pag swangit sinasapak ko. alin ka dun? ------------------------------------Hahaha, I like this.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chantalk

    02/22/2012 | 07:12 PM
    ikaw zoren mukhang don ka na pupunta....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MarieJuanaofMissosology

    02/22/2012 | 04:57 PM
    No 7, beki ako pero di ako tumitili pag nagugulat o pag ginugulat. pag pogi ang nanggulat sa akin niyayapos ko. pag swangit sinasapak ko. alin ka dun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • magsasaka

    02/22/2012 | 04:16 PM
    Madali lang malaman kung bakla o hindi. GULATIN mo o maglagay ng laruan na daga sa paa, pag tumili ayun na! pero pag-sinapak ka SORRY straight pala!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MarieJuanaofMissosology

    02/22/2012 | 04:02 PM
    No 5...teh, wag magtiwala sa tingin-tingin lang....kita naman oh, ang fierce ng pag pout nya ng lips sa pic...parang pictorial lang ni Tyra Banks sa ANTM.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Discerning_Viewer

    02/22/2012 | 03:44 PM
    tinging ko naman ay straight ito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    02/22/2012 | 02:27 PM
    Hindi niya mabasa ang lalaki kung ito ba ay closet queen?? Naman kapag tunay kang lalaki, malakas ang pakiramdam mo. O baka naman naglalaban ang kanilang mga powers kaya hindi niya mabasa?? LMAO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MarieJuanaofMissosology

    02/22/2012 | 02:27 PM
    Naku teh, wag kang orocan...alam n alam mo kayang basahin.....di ba it takes one to know one ateh zoren???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ICUM2U

    02/22/2012 | 02:11 PM
    Don sa dos Zoren basahin mo kung ilan sila nag tatago sa closet, una na dyan c Mama Piola, Mama Sham sino pa ba, marami pa yan....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    02/22/2012 | 01:44 PM
    nakakabawas nmn ang pagka-Lalaki ni Zoren .. npka intrigero.. haha! parang beki lng ang gumagawa nun.. ay peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About