Barbie Forteza on Joshua Dionisio's "Marry Me" gift to her last Valentine's: "Sobrang kinilig lang po ako."

Rommel Gonzales
Wednesday, February 22, 2012 @ 02:48PM  |  1414 views

 

Barbie Forteza on why Joshua Dionisio gave her a "Marry Me" perfume last Valentine's Day:"Kaya daw po niya yun ibinigay sa akin dahil... mabango daw po yun."

Photo By: Noel Orsal













May isyu ngayon na isa raw si Barbie Forteza sa mga itinuturong dahilan kung bakit may mga artistang nagbabalak umalis sa GMA-7 at lumipat sa ibang istasyon.

Isa raw kasi si Barbie—kasama sina Marian Rivera, Bianca King, at Bea Binene—sa mga hindi nawawalan ng projects sa GMA-7; dahilan kaya  may ilang artistang napababalitang gusto nang iwanan ang Kapuso network.

Ano ang reaksiyon dito ni Barbie?

Sabi ng tween star, "Shocked po ako! Kasi hindi ko po talaga alam yun.

"Wala naman po akong naririnig na isa ako sa mga sinasabing dahilan kung meron nga pong nagbabalak na umalis sa GMA.

"Naniniwala po ako na wala naman akong kinalaman sa mga ganung sitwasyon."

Ano ang masasabi niya sa mga artistang lumilipat ng network?

"Iginagalang ko po ang kanilang desisyon. I'm sure pinag-isipan nila nang husto yun.

"Pero kung ako po ang tatanungin ninyo, I wish dito na 'ko sa GMA hanggang sa pagtanda ko," aniya.


FAVORITE TWEEN STAR? Pero naniniwala ba si Barbie na isa siya sa mga paboritong artista ng GMA-7?

"Hindi naman po paborito. Nararamdaman ko lang po na nagtitiwala sila sa akin at sinusuportahan nila ako.

"At yun po ay tinatanaw kong malaking utang na loob.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA sa break na naibigay nila sa akin. Hindi ko po sila bibiguin," sabi niya.

Marami ang nagsasabi na isa si Barbie sa next important stars ng Kapuso network. Ano ang masasabi niya rito?

"Naku, ang dami po naming next important stars ng GMA.

"Sa mga tweens na lang po, e, ang gagaling po nilang lahat.

1  2  3  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name