Derek Ramsay relates how the break-up rumors started: "Sinabi ko lang na happy Valentine's kay Angel... malamig na raw ako. Siguro naman 'pag Valentine's, gusto ko naman sabihin in person, hindi lang over Twitter, di ba? Angel was in the hospital last Valentine, I went there to see her, we celebrated in the hospital. So, hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Tinext nga ako ng isang friend ko na break na daw kami, 'Wow! baka may plano pala na alam ninyo.'"

Photo: Noel Orsal

May kumakalat na namang balita sa Twitter na break na raw sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Hindi malinaw ang rason ng napapabalitang breakup diumano ng dalawa, pero nagsimula raw ito dahil ilang fans nila ang nagsabing hiwalay na sila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek sa presscon ng Century Tuna Search for Superbods 2012 last week, agad na pinabulaanan ng hunk actor ang nasabing report.

Saad ni Derek, "Sinabi ko lang na Happy Valentine's kay Angel, malamig na raw ako. 

"Siguro naman 'pag Valentine's, gusto ko naman sabihin in person, hindi lang over Twitter, di ba? 

"Angel was in the hospital last Valentine, I went there to see her, we celebrated in the hospital.

"So, hindi ko alam kung saan nanggaling yun.

"Tinext nga ako ng isang friend ko na break na daw kami... 'Wow! baka may plano pala na alam ninyo.'"

Pero diin niya, "No, we're okay, we're very good."

VALENTINE'S DAY. Ayon kay Derek, hindi naman talaga nila ipinagdiriwang ni Angelica ang Valentine's Day. Kadalasan ay gumagawa sila ng charity work upang ipamahagi ang kanilang blessings sa ibang tao.

"Every year, hindi naman kami yung nagde-date. 

"We can do that anytime throughout the year.

"What we do, we organize events for kids in Muntinlupa.

"But Valentine's Day fell on a working day and a school day, so we're hoping to do it this Saturday or next Saturday.

"Gift? We don't give gifts on Valentine.