Derek Ramsay relates how the break-up rumors started: "Sinabi ko lang na happy Valentine's kay Angel... malamig na raw ako. Siguro naman 'pag Valentine's, gusto ko naman sabihin in person, hindi lang over Twitter, di ba? Angel was in the hospital last Valentine, I went there to see her, we celebrated in the hospital. So, hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Tinext nga ako ng isang friend ko na break na daw kami, 'Wow! baka may plano pala na alam ninyo.'"

Photo: Noel Orsal

"Whenever we have time, we can go out on a special date."

GET MARRIED OR BREAK UP. Aminado si Derek na nakikita niya ang kanyang sarili na ikinakasal kay Angelica.

Sabi niya, "May kasabihan nga na, 'If you've been together for five years, either get married or break up.'

"Of course, we're looking forward to that [getting married]. 

"Concrete plans, wala pa, but I've always said that I feel I'm ready to get tied down with Angel. 

"Five years and looking forward to spending great years with Angel. 

"We're both doing well in our careers, our relationship is very healthy, so that's the biggest thing that can happen to our relationship. 

"So someday, at the end of the road, dun din kami mapupunta."

Hindi kaya mainip si Angel kung wala pa pala siyang definite plans kung kailan sila magpapakasal?

"I hope not," sabi ni Derek.

"She's always vocal naman to me. She'd make sure na pumasok 'yan sa utak ko."

FRISBEE. Bago pumasok ang taon ay naaksidente si Derek habang naglalaro ng frisbee. Dahil sa operasyon niya sa kanyang kaliwang braso ay kinailangan niyang magpahinga.

Magaling na ba ang kanyang injury?

"As long as I'm a good boy, this will get better," sabi ni Derek.