"Pero kasi at that time, mas concrete ang offer ng Singko kesa do'n. Hindi lang din nagkaayos sa GMA. Yung sa Dos, mero'n, pero hindi as concrete as what TV5 offered. So, siyempre ako, 'Teka muna, sa mas maayos.' Kaya nandito ako," replies Gelli de Belen when asked why she did not transfer to ABS-CBN like Janice de Belen and Carmina Villarroel.

Photo: Noel Orsal

Isa si Gelli de Belen sa dumalo sa press launch ng mga shows ng TV5 ngayong 2012, na ginanap sa NBC Tent last week.

Si Gelli ay kabilang sa mini-series na Nandito Ako, at sa bagong noontime game show na Game 'N Go kasama si Edu Manzano.

KAPATID. Noong October 2011 nagsimulang mapanood si Gelli sa TV5 matapos niyang iwan ang GMA-7.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actress-TV host ang ilang buwan na niyang pagtatrabaho sa Kapatid network.

"Ayos lang naman ako dito, masaya. 

"With the decision, I think so," pagtukoy niya na tama ang kanyang desisyong paglipat sa TV5.

Dagdag pa ni Gelli, "Okay, alam ko ang iniisip n'yo. It's not like the ano... well, it really isn't, but that's part of one of the risks that I took.

"You know, hindi naman ako aspiring for superstardom with my stature right now.

"I really want to work and work well. Yun lang naman ang gusto ko talaga.

"And with TV5, they've given me a chance to broaden my horizon."

EAT BULAGA! Ang Gellicious ang unang show na ginawa ni Gelli sa TV5, pero tapos na ito dahil isang season lang daw talaga ang takbo nito.

Ayon pa kay Gelli, "Eto na kasi ang Game 'N Go."

Noontime show ang Game 'N Go na makakatapat ng institusyon sa larangan ng telebisyon—ang Eat Bulaga! ng GMA-7.

"Mauuna kami ng konti pero makakatapat din. Unfortunately!" natawa niyang sabi. 

"E, wala, e..."