Sa pagbabalik ni Carmina Villarroel sa bakuran ng ABS-CBN, dalawang shows agad ang pinagkakaabalahan niya.
Regular na siyang napapanood sa bagong showbiz-oriented talk show na Showbiz Inside Report (SIR); kasama sina Janice de Belen, Joey Marquez, at Ogie Diaz.
Bukod dito, kasama rin ang actress-TV host sa bagong seryeng sisimulan ng Kapamilya network, ang Lorenzo's Time. Makakasama naman niya rito sina Zaijian Jaranilla, Diether Ocampo, at Gina Pareño.
Sa pictorial ng Lorenzo's Time noong Lunes, February 20, sa Studio 8 ng Kapamilya network, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina.
Ipinarating ni Carmina ang kanyang excitement tungkol sa tatampukang teelserye sa Kapamilya network.
"Ang role ko dito, kababata ko si Zaijian.
"'Tapos, mayroon kaming sumpaan sa isa't isa, parang childhood sweeteharts na maging sa pagtanda, kami pa rin, mag-aasawa kami, ganyan.
"Then something happened to him, nagkaroon siya ng sakit.
"Ipa-fast forward natin, lumaki na ako, naiwan siya sa ganun.
"Ako, maraming nangyari sa akin... nagkaroon ng anak, nahiwalay sa partner.
"'Tapos, hanggang sa pagbalik ni Zaijian, ipu-pursue pa rin niya ako.
"Excited ako sa teleseryeng ito, kasi first time kong gagawa ng ganito.
"It's all about love, it's about time.
"Kaunti lang kaming cast dito, pero lahat talaga importante.
"Marami kang lessons na matutunan dito, heartwarming.




0

