Na-enjoy raw nang husto ni Enzo Pineda ang kanyang recent trip sa Switzerland.
Sila ni Derrick Monasterio ang nakasama ni Sarah Lahbati sa homecoming concert ng Kapuso young actress sa Geneva noong February 13.
Masayang ikinuwento ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging experience nila sa Switzerland.
"It was successful. Sobrang saya ng concert namin sa Switzerland.
"Hindi namin ini-expect na mapupuno namin 'yong venue.
"So napuno namin 'yon ng mga Pinoy na naka-base doon. And may mga half-Pinoy, half Swiss na nanood also.
"Sobrang warm ng welcome nila sa amin.
"Pagdating pa lang namin, may mga sumalubong na sa amin. Lahat sila ang babait at sobrang accommodating.
"It was a good experience."
Dagdag pa niya, "And sa umpisa pa lang, sinabihan na kami na huwag mag-i-expect, kasi 'yong crowd daw, hindi gano'n ka-receptive.
"Gano'n lang daw talaga sila. But it does not mean na hindi raw nila naa-appreciate 'yong performance.
"Pero during the concert, nagwala sila! Lahat nagtatayuan, sumasayaw.
"And thankful kami talaga sa lahat ng nag-accommodate sa amin doon sa Switzerland dahil sobrang bait ng mga Pinoy doon.
"Doon kasi, nanonood lang sila ng GMA shows sa Internet. At nire-request nga nila na magkaroon na rin ng GMA Pinoy TV doon."
SNOWBOARDING IN FRANCE. Pagkatapos daw ng kanilang concert sa Geneva, Switzerland ay tumuloy sila sa Paris, France.




0

