"Well, a, mas pinili ko munang mag-focus sa work kasi may gusto akong patunayan, may gusto akong marating. Lahat naman tayo gano'n, di ba, 'pag may pangarap ka, may gusto kang marating, dapat mag-focus ka do'n," says Aljur Abrenica about his decision to focus on career first.

Photo: Noel Orsal

Isang bagong Aljur Abrenica raw ang dapat abangan sa upcoming movie ng GMA Films, ang My Kontrabida Girl, kung saan makakatambal niya si Rhian Ramos.

Naikuwento ni Aljur noon sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magiging karakter niya sa nasabing pelikula.

"Ako dito si Chris Bernal.

"Bale kasi patay na yung parents ko dito, so I work for myself, ganun.

"We have a resort, pero hindi ako yung nag-manage dahil nga masyado pa akong bata. Mga tiyahin ko yung nag-manage nung resort.

"Typical na probinsiyano, yung laking-probinsiya, 'tapos member ako ng SK [Sangguniang Kabataan].

"Si Chris Bernal dito ay isang taong masayahin. Sobrang masayahin... masyadong positive.

"Ang problema lang sa kanya, ayaw niya yung may taong nasasaktan.

"Basta sa paligid niya, gagawin niya lahat basta hindi lang masaktan yung taong yun."

(CLICK HERE for related article.)

Muling nakapanayam ng PEP si Aljur kahapon, Pebrero 22, sa kanyang pocket interview sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

Dito naman ay sinabi niya kung paano naiba ang karakter niya sa My Kontrabida Girl sa ibang proyektong nagawa na niya.

"No'ng nakaraan kasi, 'yong mga character ko dapat macho, dapat sexy, fantasy, [tulad ng] Last Prince, Machete," sabi ng Kapuso actor.

"Ito kasi ano, e, tao ako dito, e. The fact na kakaiba 'yong character na ito—sobrang bait, walang kaangas-angas, malayong-malayo...

"Hindi naman malayong-malayo, kumbaga, malayong-malayo sa mga ginawa ko previously."