Big hit sa takilya ang unang pelikula nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na Unofficially Yours.
February 15 nang magsimula ang pagpapalabas nito sa mga sinehan. Pero sa pinakahuling update mula sa Star Cinema, umaabot na raw sa mahigit P100 million ang gross nito sa box-office.
Marami ang nanibago kay Angel sa pagganap niya bilang isang sobrang liberated na babae sa Unofficially Yours. Wala siyang keber na makipag-engage sa casual sex sa kanyang katrabaho na ginagampanan naman ni John Lloyd Cruz.
"Mabuti na lang, naninibago kayo kesa sanay kayo na gano'n ako!" natawang sabi ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal).
Ayon kay Angel, hindi raw naging gano'n kadali para sa kanya na ikundisyon ang sarili para sa nabanggit na role, lalo't extreme opposite ito ng kung ano siya sa totoong buhay.
"Actually, mahirap. Sa bawat character na gagawin mo, actually mahirap sa umpisa talaga.
"Pero habang tumatagal naman, siyempre may guidance ng director mo, mas nagiging comfortable ka naman," saad niya.
Ano 'yong na-realize niya habang ginagampanan niya ang papel ni Ces na puwedeng ikonek sa personal na pananaw niya sa totoong buhay?
"Na-realize ko? Siyempre, masarap magmahal, di ba? Na puwede kang magpahinga saglit, 'tapos magmahal ulit."
Pero nai-imagine ba niya ang kanyang sarili na puwede siyang maging gano'n ka-liberated in real life?
"Naiintindihan ko si Ces, pero hindi siguro 'yong sobrang eksakto.
"Hindi ko siguro gano'n kaeksakto, pero naiintindihan ko siya," sagot ni Angel.
May katangian ba sa character ni Ces na parang nakikita niya sa sarili niya?
"Her love para sa kanyang pamilya. Iyon ang unang-unang naka-relate ako sa kanya.
"Workaholic siya. At saka grabeng magmahal si Ces.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
242 AngelSIKATlocsin
241 brainfultoo
240 AngelSIKATlocsin
239 Iamanncurtis1
238 AngelSIKATlocsin
237 Iamanncurtis1
236 AngelSIKATlocsin
235 Iamanncurtis1
234 AngelSIKATlocsin
233 Iamanncurtis1
232 AngelSIKATlocsin
231 brainfultoo
230 brainfultoo
229 AngelSIKATlocsin
228 Iamanncurtis1
227 AngelSIKATlocsin
226 brainfultoo
225 AngelSIKATlocsin
224 brainfultoo
223 brainfultoo
more comments