"Kinol-time ako ako ng 8 ng umaga, kinunan ako ng alas-dos ng madaling-araw. Tama ba yun? Imbes na may ginagawa ka sa buong araw, wala ka nang nagawa. Ang ginawa ko matulog nang matulog, gumising, kumain. Gigisingin ka para kumain. Anong nangyari nung ginising ako, nakunan na ako. Na-realize ko, isa lang pala ang eksena ko, 'Hindi n'yo pa ako kinunan?' Nagwala ako! In a sense na yung polo na pinasuot sa akin, ginanun ko, nagtalsikan yung mga butones. Hinubad ko, tinapon ko," says Jay Manalo when asked how his unprofessionalism issue started.

Photo: Noel Orsal

Sinasabi ng iba na mula nang si Annabelle Rama ang naging manager ni Jay Manalo ay "tumino" na ang aktor. 

Mas nagseryoso raw si Jay sa trabaho noong hawakan ng palabang talent manager ang kanyang career.

Pero pagtatanggol ng aktor sa sarili, "Hindi. Actually, matagal na akong matino.

"E, pinipilit lang nila akong lagyan ng ibang... unprofessional ako, mahirap katrabaho. "

Hindi naman totoong unprofessional siya?

"Ewan ko sa iba? Kasi may naninira, e," makahulugan niyang sabi.

"Baka naman kasi tinitira nila ako just because meron silang alaga, threat ako sa kanila. 

"Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero alam ko, magiging threat din talaga ako sa kanila.

"Kahit sino sa kanila, hindi ako tatayuan ng balahibo in the sense of acting."

UNPROFESSIONAL? Para hindi magkaroon ng maling interpretasyon na baka may pinatatamaang partikular na tao si Jay, nilinaw nito ang binitiwang salita.

"Hindi, kasi pinilit nila kasi ang isang bagay na ang sistema, e, dapat sundin. 

"Paano susundin ang sistema kung yung mismong nagpapatupad ng sistema, e, hindi nila nasusunod yun?

"For example, paano nila made-define yung pagiging unprofessional?  

"Sige nga, i-define nga nila? O, bigyan nila kami ng 8 o'clock. Anong oras magga-grind? Ten [o'clock]? 

"Ang inaano ko lang, sana magkaroon ng kunsiderasyon.