Ayen Munji-Laurel on how to make marriage work: "Yeah, communication and acceptance... Kaya lang, mahirap yung acceptance minsan. Sa pinagdaanan ko, yung acceptance... yeah... ugali n'yo sa isa't isa. More on adjustment n'yo sa isa't isa. Kasi kami ni Franco, so different. Franco is... sociable 'yan, socialite 'yan! Ako naman yung tipong I'd rather stay at home."

 

Photo: William R. Reyes

Bihirang mag-open up ang napakapribadong tao na 'tulad ni Ayen Munji-Laurel, maliban kung kapalagayang-loob niya ang kausap. O kaya ay kung nakikipagkuwentuhan siya sa mga kasamahan sa set, na itinuturing niyang "hindi na iba" o totoong kaibigan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ayen sa first taping day ng Hiram Na Puso sa Northshore Park, Malabon City, noong Lunes, February 20, maraming naibahagi ang premyadong singer-actress tungkol sa kanyang career, marriage, at family life.

Una, ang tungkol sa reunion nila ni Gardo Versoza rito sa Hiram Na Puso.

Nagkasama sila sa nagwakas nang epic-serye, ang Amaya, kung saan gumanap sila bilang mag-asawa—sina Hara Lingayan at Rajah Mangubat.

Sabi ni Ayen, "Siyempre nung nalaman namin  na kami uli 'ung magkakasama... masaya, nakakatuwa!

"Aside from Gardo, Gina is also here. It's nice... reunion!"

Ang tinutukoy ni Ayen ay si Gina Alajar na nakasama rin nila sa Amaya.

LIFE AFTER AMAYA. Indeed, there is life after Amaya for Ayen.

"Ito agad!" pagtukoy ng opera singer at aktres sa Hiram Na Puso.

"Magkasunod lang sila. Nagpahinga lang ako ng ilang weeks.

"December, meron pa kaming tapings. Dun namatay yung character ko, first week of December, until, you know, palabas-labas pa rin ako as the ghost."

Hanggang ngayon, Ayen cherishes the fond memories of doing Amaya na nagtapos noong January 2012.

"Super! Na-develop yung friendship with a lot of people, actually.  

"Then, until now, we communicate, nagte-text-text.