Dingdong Dantes enrolls in a Bacolod university; stresses importance of education

Rose Garcia
Thursday, February 23, 2012 @ 04:40PM  |  43365 views

 

Dingdong Dantes on importance of education: "Ever since naman, importante ang education. Isang bagay yun na madadala mo kahit saan at kayamanan mo 'yan. So, kapag meron kang gustong gawin at alam mo na kung papaano, it's much easier kesa sasabak ka sa isang bagay na doon ka pa lang matututo as you go along the way. I just wanna make life easier and I'm always open to new things, learn new things. Kumbaga, never akong nakukuntento. Alam ko na marami pang bagay sa labas na puwede kong malaman."

Photo By: Noel Orsal













Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa shooting ng isang bagong TV commercial sa Marcos Hi-Way, Marikina, noong Martes ng gabi, February 21.

Pero bago pumunta sa TVC shoot ay napag-alaman namin na nanggaling pa si Dingdong sa Bacolod noong araw na yun. 

Nagpunta ang Kapuso actor sa Bacolod hindi dahil sa anumang showbiz commitment.

Ito ay para sa isang personal na rason—ang makapagpatuloy ng pag-aaral sa isang unibersidad doon.

Sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz commitments ay naisisingit pa rin pala ni Dingdong ang kanyang pag-aaral. At nangangahulugan din ito na kailangang magpabalik-balik siya sa Manila at Bacolod.

Paliwanag naman ni Dingdong dito, "Gusto ko lang tapusin ang college ko. Konti na lang. 

"Naka-enroll ako ngayon sa West Negros University sa isang particular program na swak na swak sa schedule ko at saka sa lifestyle ko as a working student."

Pero ang malaking tanong namin sa kanya: bakit sa napakalayong Bacolod niya napiling pumasok?

"Kasi doon lang ino-offer ang course na kailangan ko," sagot ni Dingdong.

Ang kursong kinuha niya ay Techno Management, na isa ring business course.

Hindi pa masabi ni Dingdong kung kailan siya eksaktong matatapos sa kinukuhang kurso. Depende raw sa frequency ng pagpunta niya sa Bacolod.

Saad niya, "Once a month, nandoon ako. Inuuwi ko lahat ng kailangan kong aralin at sagutan. 

"Then, I communicate with my professors via email. 

"May kailangan lang na minimum requirements na kailangan nandoon ako physically sa school."

Bakit niya naisipang magbalik-eskuwela gayong nakatapos na siya ng isang kurso sa Ateneo de Manila University?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

155 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name