"Hindi ko pa siya nakakausap ng matagal, puro 'hi-hello' lang. Sa kuwento-kuwento lang. Pero mukha namang matino at mabait na tao. Actually, 'pag nakita mo siya, tahimik lang, e. Nandun lang sa isang tabi. 'Pag hindi mo siya kinausap, hindi rin siya magsasalita," says Oyo Sotto about his mom Dina Bonnevie's new boyfriend.

 

Photo: Noel Orsal

Sa nakaraang media launch ng mga bagong shows ng TV5, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo Sotto na kasama sa cast ng bagong primetime series na Valiente.

Una naming inusisa sa aktor tungkol sa napabalitang bagong boyfriend ng ina niyang si Dina Bonnevie.

"Wala pang confirmation sa amin, e. 

"Hindi pa ako sinasabihan talaga ni Mommy... yung isang upuan na magtatapat siya sa akin," sabi ni Oyo.

Dati nang inamin ni Dina ang pagkakaroon niya ng lovelife sa isang politician.

Nakita ang dalawa sa nakaraang Valentine's concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ang Mr and Mrs A, na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

"Pero parang sila na nga 'ata," sabi rin ni Oyo.

"Actually, may hint naman na siya sa akin. 

"Pero wala pa talaga akong naririnig sa kanya na, 'O, kami na. Siya ang boyfriend ko...' wala pang gano'n."

Nakilala na raw ni Oyo ang sinasabing kasintahan ngayon ng mommy niya.

"Nakilala ko na. May mga ilang times na... nung Christmas, nandun siya, nakilala ko na."

Hindi makapagbigay ng pahayag si Oyo kung paano niya ilalarawan ang boyfriend ng mommy niya.

Sabi niya, "Hindi ko pa siya nakakausap ng matagal, puro 'hi-hello' lang. Sa kuwento-kuwento lang. 

"Pero mukha namang matino at mabait na tao.

"Actually, 'pag nakita mo siya, tahimik lang, e. Nandun lang sa isang tabi.