news

Oyo Sotto on mom Dina Bonnevie's new boyfriend: "Sa akin naman, kung nakikita ko namang aalagaan niya si Mama at hindi niya lolokohin, bakit naman hindi?"

by Rey Pumaloy posted on February 23, 2012  STATS: 2234 Views | 16 Comments

 

"Hindi ko pa siya nakakausap ng matagal, puro 'hi-hello' lang. Sa kuwento-kuwento lang. Pero mukha namang matino at mabait na tao. Actually, 'pag nakita mo siya, tahimik lang, e. Nandun lang sa isang tabi. 'Pag hindi mo siya kinausap, hindi rin siya magsasalita," says Oyo Sotto about his mom Dina Bonnevie's new boyfriend.

 

Photo By: Noel Orsal

Bakit wala nang sumunod pang naging close sa kanila pagkatapos ni Coney?

"Hindi ko alam, e... siguro kasi ano... katulad dati si Pia [Guanio]. 

"Sinasama niya sa mga family gathering, pero mas naging close niya yung mga pinsan ko.

"Kami, hindi talaga, e.

"'Sige, hello...' ganun. 'Pag nakikita namin sa Eat Bulaga!, 'hi, hello.'

"Pero wala talaga yung conversation na nag-uusap kami talaga."

Ipinauubaya na raw ni Oyo sa ama ang personal life nito, lalo na ang tungkol sa lovelife.

OTHER SIBLINGS. Maliban kina Danica at Oyo, meron pa silang dalawang kapatid sa ama—si Vico, na anak ni Vic kay Coney Reyes, at si Paulina, na anak naman ng comedian kay Angela Luz.

Gaano sila ka-close sa mga kapatid nila sa ama?

"Si Vico, alam ko he's studying Law. Gusto ko yata niyang maging lawyer. 

"Si Paulina naman... okey naman. Malalaki na sila, e. 

"Grabe, ang bilis ng panahon. Dati, naalala ko, ang liit lang namin.

"Pero ngayon, may sari-sarili na silang lakad. Nagugulat na lang ako, gumigimik na rin sila.

"Never kong naisip na mangyayari, pero nangyayari pala talaga."

Dagdag ni Oyo, "Oo, close pa rin naman kami. 

« Prev  1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  agusanonko

    03/01/2012 | 12:49 PM
    para nga cyang kotrabida sa mga syota ng mama nya..dko nkikita na lagi kasama sa mga pic s danica lng..my bago bang bf c miss d..alam ko yong batang tisoy parin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  myrth

    02/26/2012 | 10:20 PM
    HOY OYO,IKUHA MO PAREHO NG CAREGIVER ANG MGA MAGULANG MO.WAG MGA ASAWA O GIRLFRIEND.ALAGAAN AT ALAGAAN ANG NABABASA KO.ANO YAN?MGA DISABLE? SOBRA KA SA OA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  estoryaheepanabi

    02/26/2012 | 02:22 AM
    I super agree with tintin4ever if I were also in Oyo's shoe i would hardly accept Pauleen-Vic romance a decade maybe ok but 3 decades of age difference,huwatttt?! seryosohan ba yan? Alex testified that Ms. D's current bf is very rich,a businessman and a foreigner,galante at nagpapakain sa set dun sa PS.ILY show nila.Ito talagang kay Pauleen ang kaduda-duda eh knowing na galante daw si Bossing.God Bless OyoTin i adore you guys so much,very intact,strong faith,happy family,a certified power couple!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  tintin4ever

    02/24/2012 | 09:08 PM
    12 superbeki Kung ako sa katayuan ni Oyo,I will feel the same.Aba,kung mangyari yun sa tatay ko,getting involved with a younger woman na ang age gap sa tatay ko ay 34 years,hindi ako makakapayag.Sa age ng tatay ko dapat huwag niya nang isipin ang mga makamundong bagay.Dapat ang inaatupag niya ang salvation ng kanyang kaluluwa.Aanhin ko naman ang amang maraming pera kung mapupunta naman siya sa impyerno o dagat-dagatang apoy at isa pa ang pera walang assurance kasi puwedeng kunin yan anytime ng Dios.Yayanigin niya lang ang lupa ng magnitude 8 na lindol,wala na.Mababagsak ang lahat pati na ang bangkong pinagtaguan niya ng pera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  superbeki

    02/24/2012 | 11:07 AM
    hindi naten maikaka ila, kaya siya galit ke pauline not becuz of peperahan lang si vic, hello mayaman ren si pauline may gas stations yung family nya, kanya lang ung kinikita nya.. ang dahilan ng pag ayaw nya ke pauline???? magka galit ang misis nya at si pauline, way back diether times pa, until now, hindi pa nagbaabati yun... bakit ke pauline sila galit, eh si diether ang lumigaw at nag two time ke xtine hermosa... until now bitter pa ren ang lola xtine hermosa... may oyo na nga siya... ito ang totoo oyo dibah?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  bulagafan

    02/24/2012 | 10:47 AM
    kung magkakapera yan, gagaya din yan kay vic. kaso mukhang di na sisikat. Pag nakuha na ang mana, lalabas ang tunay na kulay niyan. Idol niya tatay niya - babaero.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  magnus_ni

    02/24/2012 | 10:32 AM
    Ang bait ng batang to. Ito ang mga hinahanap na anak ng mga nanay eh sweet at protective.Buti pa to nagmature na matino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yacinth

    02/24/2012 | 10:06 AM
    meron talagang mga insecure dyan ano....sa article na wala ang pangalan ni Angel Locsin pilit sinasama. Kung maputi ba ibig sabihin maganda na?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    02/24/2012 | 07:47 AM
    To each his own. Oyo is happy now with Kristine, so let Dina be happy for herself. However, CORRECT at tama lang si Miss Dina Bonavie na MATUWA at magsaya at hindi si Angel Locsin ang nakatuluyan ng anak niya. Mas MAPUTI at mas maganda at mas seksi naman si Kristine kaysa kay Angel Locsin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SimonLaplace1

    02/24/2012 | 07:25 AM
    Kawawa sya, affected pa rin sa pagkababaero ng Tatay. Grow up na lang Dong, tanggapin mo na lng ang bitter pill na mahilig ang Tatay mo. Very good financially, maybe...but...............
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    02/24/2012 | 05:13 AM
    double standard?! dahil gurang na ang nanay maski sino basta aalagaan siya pwede? ano yon caregiver?! pero sa gurang din niyang tatay maski aalagaan din, ghold dhigger ang babae?! poor ba ang nanay kaya madaling ipamigay? o takot ka lang maunahan sa mana dahil ikaw din bihira kung magtrabaho?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • superbeki

    02/24/2012 | 04:05 AM
    tangggapin mo na papa oyo, na mahal ni papa mo si pauline. iba ang alindog ni nanay pauline mo, para xtine hermosa lang, mas bata pa nga yan sa asawa mo. oh kitams ang astig pa ren ni daddy vic ! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wa2

    02/23/2012 | 11:22 PM
    hindi sya maka sagot about pauleen alam nya kc kung anong karakas ni pauleen,hehehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    02/23/2012 | 11:09 PM
    di sia pang showbiz kung sumagot...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • geri_1602

    02/23/2012 | 10:43 PM
    Vic is very lucky and quite smart by chosing good well grounded women to mother his children. Based on this article-Oyo Boy seems sweet and loving- still very protective of his Mama. Kung ganiya siya kalambing sa mother niya- Christine is one very lucky woman as well as I can already imagine how sensitive and caring he is to her. Be strong you both and Oyo Boy please stay as sweet as you are.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lynn_q8

    02/23/2012 | 09:30 PM
    mabait na anak..sana alagaan nya si xtine para di sila matulad sa ibng mga showbiz partners na hiwalayan ang ending..... good boy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About