"Sana ma-sustain ko ang health ko and hindi ko rin naman mapabayaan ang pamilya ko. But I have a very understanding wife. I'm trying to prepare myself mentally para hindi naman ako ma-stress masyado sa shoot," says Ogie Alcasid about his hectic showbiz schedule in the next few months.

 

Photo: Nerisa Almo

"There's so many aspects of work that's needed. It's not as easy as we go to the shoot."

Dagdag pa niya, "Visually, I think the challenge is ma-translate namin 'yong kuwento.

"Sabi nga ni Uge, ang bida dito ay 'yong kwento. The kuwento is very Pinoy.

"Pero gagamitan mo ng music, kakaiba 'yon. Ang challenge talaga is mai-translate namin 'yon sa gusto namin."

Bukod sa mga kilalang aktres at mang-aawit, maipagmamalaki rin ang director at writer ng pelikula na si Chris Martinez.

Ang ilang sa kanyang mga hit na pelikula ay Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme (2009), Here Comes the Bride (2010), Temptation Island (2011), at Ang Babae Sa Septic Tank (2011).

Sa pelikulang I Do Bidoo, Bidoo, inaasahan din ba ng team nila na maging hit ang pelikula?

"Hindi ko kasi iniisip 'yong mga gano'n," sagot ni Ogie.

"Of course, a hit is a hit. A hit is a good thing.

"But I think, parang sa ngayon ay mas iniisip ko kung paano ba natin ito pagagandahin 'to, paano ba natin gagawing mas entertaining 'to in a way na hindi masa-sacrifice 'yong vision ni Direk Chris, kasi siya 'yong nagdirek at nagsulat.

"'Yong hit will come I think... Kasi ang ating mga manonood, kapag nagustuhan nila, ipapakita nila 'yon, e.

"So, ang challenge talaga is for us to come up with a good product.

"That's the exciting part. That's part of the journey.

"Now that we're starting the film, I can already feel the excitement."